• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Daan-libong Pinoy mawawalan ng trabaho sa fake, substandard products mula China

 

IBINUNYAG ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na daan-daang libong manggagawa sa bansa ang maaapektuhan at mawawalan ng hanapbuhay kung hindi marerendahan ang talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na karamihan ay galing China gamit ang mga online deliveries.

 

 

 

Dahil dito, maghahain si Tulfo kasama ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon city 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ng isang resolusyon para pa-imbestigahan sa Kongreso ang “unfair online sales practices” ng mga offshore aplliances na karamihan ay galing sa China at direktang ipinapasok sa bansa at ibinebenta sa mas murang halaga.

 

“Kung hindi ito mapipigilan, maraming manufacturers sa Pilipinas na sumusunod sa tamang alituntunin ng batas natin ang mapipilitang magsara dahil sa pagkalugi. At kapag nangyari ito siguradong daan-daang libong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho,” ani Tulfo sa pahayag.

 

Sinabi ng mambabatas na aabot sa 15 negosyante na karamihan ay manufacturer at nagbebenta ng mga appliances ang personal na lumapit sa kanyang tanggapan para magpasaklolo dahil apektado na ang kanilang negosyo sa talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na ibinebenta sa mas murang halaga.

 

“Itong mga negosyante na ito, sila ‘yung mga nagbabayad ng tamang buwis at sumusunod sa lahat ng regulasyon at alituntunin na pinaiiral ng ating batas. Pero sila ang lubos na apektado at ngayon at nalulugi dahil sa hindi patas na bentahan sa merkado,” giit ni Tulfo.

 

Nilinaw naman ni Tulfo na hindi siya tutol sa mga online selling, pero iginiit niya na dapat din silang dumaan sa mga itinakdang batas ng ating gobyerno.

Other News
  • Partnership ng HP-Miru hangad ang malinis, maayos na 2025 Elections

    HANGAD ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng fully automated, malinis, at maayos na  2025 Midterm Elections.      Katuwang ang HP, handa ang Miru na gawing katuparan ang hangaring ito sa tulong ng makabagong Miru Election Management System (EMS) at Automatic Counting Machine (ACM), na sinusuportahan ng HP PageWide Advantage 2200.     […]

  • Pag-IBIG Fund, naglaan ng P5B na calamity loans para tulungan ang Odette-hit members

    NAGLAAN ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ng P5 bilyong piso na calamity loans para tulungan ang mga miyembro nito na apektado ng bagyong Odette.   “In times like these, Pag-IBIG Fund is always ready to help members through our Calamity Loan Program. That is why the Pag-IBIG Board has allocated a calamity […]

  • Ads August 20, 2021