• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Net income ng PhilHealth papalo sa P61 bilyon

 

TINIYAK ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na hindi nakakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro kahit gamitin pa ng gobyerno sa excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhiHealth) dahil papalo sa P61-B ang net income ng ahensiya ngayong taon.

 

 

 

Sinabi ni Recto na naaayon sa medical principle na “first do no harm” ang paggamit ng natutulog na pondo at hindi makakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro.

 

 

“Yung benefit packages sa mga miyembro ng PhilHealth, daragdagan sa taon na ito ng mahigit 30%. Tapos ang malulubhang sakit katulad ng breast cancer, binibigay ngayon 100,000 pesos, gagawing 1.4 million. At marami pang iba,” paliwanag ni Recto.

 

 

“Madaragdagan ang benepisyo ng PhilHealth, at kahit daragdagan ‘to, malaki pa ang kita ng PhilHealth, at ‘yung kinuha lang natin dito ay ‘di galing sa contrbutions ng members; ito ay galing sa subsidiya ng gobyerno,” dagdag ni Recto.

 

 

Sa katunayan aniya ay magbibigay ang gobyerno sa susunod na taon ng P70 bilyon sa PhilHealth at sapat ito para madagdagan ang benepisyo.

 

 

Ipinaliwanag ni Recto sa pagsisimula ng panayam na mahigit kalahating trilyong piso ang nasa kaban ng ahensya, sapat na para mabayaran ang dalawa hanggang tatlong taon nitong gastusin.

 

 

Ibinunyag din ni Recto na ang P20 bilyong sobrang pondo ng PhilHealth na unang inilipat ay ginamit para masakop ang mga health emergency allowance ng mga health worker at frontliners.

Other News
  • Ads September 30, 2022

  • ‘Bitbit,’ bagong modus ng human trafficking – BI

    BINALAAN  ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang publiko hinggil sa nadiskubre nilang panibagong human traffic­king scheme na nanghihikayat ng mga kababaihan upang magtrabaho bilang sex worker sa ibang bansa.     Ayon kay Tansingco, isang babaeng biktima ng naturang bagong trafficking scheme ang nasagip nila noong Marso 22 sa Ninoy Aquino International […]

  • Spy fund walang lusot sa COA, Kongreso

    HINDI  umano dapat mangamba na maabuso ang confidential and intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno dahil dadaan ito sa masusing pagsisiyasat ng Kongreso at Commission on Audit (COA). Sabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, na ang pagbusisi sa CIFs ay ginagarantiyahan ng batas sa pamamagitan General Appropriations Act (GAA), […]