• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Muling nakasama ang pamilya at mga kaibigan: BB, todo pasasalamat kay MARIEL sa pagho-host ng welcome party

MASAYA si Nadine Samonte sa kanyang big acting comeback sa upcoming Kapuso afternoon series na “Forever Young.”

 

 

Kasama ni Nadine sa proyekto ang “Firefly” award-winning child star na si Euwenn Mikaell.

 

 

Gaganap na mag-ina sa serye sina Nadine at Euwenn, na magbibigay ng matinding emosyon sa mga manonood.

 

“Sobrang natuwa ako sa GMA kasi nabigyan ako ng chance na mailabas ko ‘yung acting ko. Masasabi ko dito talagang binigay ko ‘yung best ko talaga kasi parang, sabi ko, ‘This is my comeback.’

 

They really need to watch, it’s nakaka-touch. Iba talaga ‘yung bonding namin and connection namin ni Euwenn, malalim,” saad ng aktres.

 

Puring-puri din ni Nadine ang child star na iba raw mag-isip sa edad nito.

 

“Si Euwenn ang direktor namin dito. Minsan siya ang director, siya yung lapel, lahat siya na. Alam mo ‘yun lahat pabiro pero iba talaga yung isip ni Euwenn, hindi siya isip bata eh, sobrang mature niya mag-isip,” natatawang sabi ni Nadine.

 

Ang “Forever Young” ay kuwento ng isang 25-anyos na si Rambo (Euwennn), na nakakulong sa katawan ng pang-10 taong gulang dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism.

 

Kasama sa cast sina Michael de Mesa, Eula Valdez, Alfred Vargas, Chanda Romero, Althea Ablan, Yasser Marta, Matt Lozano, Bryce Eusebio, at James Blanco.

 

***

 

MULING nagbabalik sa bansa sa BB Gandanghari.

 

Sa Instagram account ni Mariel Padilla, ang asawa ng kapatid ni BB na si Sen. Robin Padilla, makikita ang inihandang pag-welcome ng pamilya ni BB sa Pilipinas. Ito rin ay ang kaniyang birthday celebration.

 

Ani Mariel, “Happiest birthday @gandangharibb. welcome home!!!”

 

Sa comments section ng naturang post, makikitang nag-reply ng pasasalamat si BB kay Mariel.

 

“Super thank you my dearest @marieltpadilla for not only hosting my grandest party ever 😘 you also took the time to invite people who are dear to me, My heart is full. You are the best among the rest… haha. Love you.”

 

Sa Instagram account naman ni BB ay nagpasalamat siya sa selebrasyong ito.

 

Ani BB, “Sa lahat ng bumati… maraming salamat sa Inyo. I feel your joy for me. Happy na, Birthday pa‼️ Super grateful @robinhoodpadilla and @marieltpadilla #FamilyTies #ToMamaWithLove #FamilyTime #Bonding 🎉❣️”

 

Tinawag niya rin ang event na ito na kaniyang homecoming.

 

Ani BB, “A moment of love, joy and peace amongst family and friends”

 

***

 

HINDI makalilimutan ni ‘American Idol’ season 7 runner-up David Archuleta ang Pilipinas dahil sa pagmamahal na binigay ng kanyang Pinoy fans sa kanya noon at hanggang ngayon.

 

“I miss the Pinoy Archies (fans) and the Pinoys, the people, the culture, the food. I feel like the Philippines is so good in making people feel at home and feel welcome. I’ve been waiting six long years to come back, there’s the whole pandemic and everything that happened. When I come here, not only are they big fans of ‘American Idol,’ the songs I have released. But I feel like we act the same,” sey ni David na nagkaroon ng concert sa New Frontier Theatre.

 

Pakiramdam daw ni David na Pinoy siya sa dati niyang buhay.

 

“When I come I’m like, I see myself so much in the Filipino culture, so I’m like, oh my gosh, am I Filipino? Everyone thought so. I just feel so a part of everyone here, and they’re a part of my life now,” sey pa ng 33-year old American-German-Honduran singer na paborito ang mangga, sisig, pancit, bangus at adobo.

 

Back in 2012, pinagbida si David sa teleserye ng TV5 titled ‘Nandito Ako’ kunsaan nakatambal niya sina Jasmine Curtis-Smith at Eula Cabalero.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Organizers ng Tokyo Olympics walang gagawing pagbabago sa mga venues

    Tiniyak ng organizer ng Tokyo Olympics na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda.   Walang aniyang pagbabago sa mga venues na gagamitin kung ano ang napag-usapan sa naunang plano.   Nakatakda kasing magbigay ng mga updates at ulat ang organizers sa International Olympics sa darating na Hulyo 17.   Magugunitang nagkasundo si Japanese Prime Minister Shinzo […]

  • GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA

    Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.     Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.     Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.     […]

  • Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo

    NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.     Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang […]