• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nationwide bakuna sa iskul, ilulunsad ng DOH sa Oktubre

ISANG nationwide school-based immunization program ang nakatakdang ilunsad ng Department of Health (DOH), katuwang ang Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa Oktubre.

 

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang naturang Bakuna-Eskwela program ay sisimulan nila sa Oktubre 7 upang mabigyan ang mga mag-aaral na nasa una, ikaapat at ikapitong baitang ng bakuna laban sa HPV, measles, Rubella, tetanus, at diphtheria.

 

Sa ilalim ng programa, maaaring magpabakuna ang mga bata tuwing araw ng Biyernes sa buong buwan ng Oktubre, sa lahat ng mga pampublikong paaralan, ngunit welcome rin naman at maaaring magpabakuna ang mga mag-aaral mula sa mga private schools.

 

Kaagad namang nilinaw ng kalihim na ang naturang pagpapabakuna ay hindi mandatory at kinakailangang may pahintulot ng magulang ng mga mag-aaral.

Other News
  • ABS-CBN bias, Cayetano kalma lang sa franchise renewal

    Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bias ang ABS-CBN kaya dinidinig sa Kongreso ang kanilang franchise renewal na mapapaso na sa Marso 2020.   “Walang doubt na institusyon ang ABS-CBN. Walang doubt na napakalaki ng naitulong sa ating bansa. Pero wala ring doubt na may mga issues, kaya nga sinabing ABias-CBN,” ayon kay […]

  • IATF, binawi ang requirement sa college students na dadalo sa face-to-face classes na magkaroon ng medical insurance

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekumendasyon ng Commission on Higher Education (CHEd) na bawiin ang medical insurance requirement para sa mga college students.       “Dahil na rin sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon IV, item “H” ng CHED-DoH Joint Memorandum Circular NO. […]

  • Lowest in 5-mos: 3,117 bagong nadagdag na COVID cases sa PH

    Mas mababa ang bilang ng mga naitalang bagong kinapitan ng coronavirus kumpara sa mga nakalipas na araw sa Pilipinas.     Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang panibagong 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Dahil dito ang mga COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 2,790,375 […]