• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos pumalit bilang bokalista ng ‘Lily’: JOSHUA, bina-bash at pilit kinukumpara kay KEAN

SI Joshua Bulot ang pumalit sa unang bokalista ng Lily, na dating Calla Lily, na si Kean Cipriano.

 

 

Kaya kinumusta namin ang journey niya bilang miyembro ng naturang banda.

 

 

“Actually sobrang natuwa ako kasi ano, ang bilis rin ng chemistry naming lahat,” wika ni Joshua, “kumbaga nagkaroon kami ng struggles pero sa totoo lang pag iniisip mo ang bilis rin ng nagyari sa amin.

 

 

“Na ang daming kumukuha sa amin, ang daming nag-embrace sa amin.

 

“Marami ring bashers pero totoo yan naka-help din sa amin.

 

“Looking forward ako sa marami pang puwede naming gawin,” ang nakangiting sinabi pa rin ni Joshua na agaw-pansin sa suot niyang crop top kaya kita ang kanyang mga matitipunong braso, well-defined abs at pusod na napapaligiran ng balahibong pusa.

 

Nakapanayam namin ang Lily sa magandang venue ng VEE’S G-Pub Resto Bar and Events Place sa Greenfield City sa Mandaluyong.

 

By the way, speaking of Joshua, siya ang sumulat ng bagong kanta ng Lily, ang very sexy and titillating song na ang titulo ay HIGA.

 

Natawa naman ang grupo sa tanong namin kung ano na ang matinding pamba-bash ang dinanas nila.

 

“More on sa akin e,” bulalas ni Joshua, “kasi siyempre pinalitan ko si Kean so maraming comparison. Isipin mo si Kean maangas, naka-shades tapos ako naka-crop top!

 

“So parang alam mo yun? Maraming nam-bash sa akin, na hindi daw ako rakista. Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako rakista.

 

“And I’m not Kean Cipriano. I’m Joshua Bulot. And this is not Calla Lily, this is Lily.

 

“So gusto kong iparating sa mga tao na wala kayong dapat ikumpara kasi this is a new band and I’m not Kean, I’m not the shadow of Kean,” pahayag pa ni Joshua na umani ng palakpakan.

 

Second anniversary ng bandang Lily.

 

“Magtu-two years na kami ngayong September 21,” kuwento sa amin ng hot and hunky vocalist ng grupo.

 

“Actually andaming nangyari,” saad naman ni Lem Belaro (drummer/songwriter) sa tanong namin kung kumusta ang journey nila sa loob ng dalawang taon.

 

“Una siyempre ang hirap talaga kasi honestly, kailangan naming mag-adjust sa isa’t-isa. Like [may] mga matagal ng members, we’ve been around seventeen years na.

 

“And then may mga bago kaming members, silang tatlo,” pagtukoy ni Lem kina Joshua, Nathan Reyes na rhythm guitarist (na hindi masyadong bago dahil 2017 ay nasa Cala Lily na ito pero bilang sessionista pa lamang at hindi pa permanente) at si Ezra Decinal na keyboardista ng Lily.

 

Ang mga original members naman na nanggaling pa sa Calla Lily ay sina Aaron Ricafrente na bassist ng grupo, Alden Acosta (lead guitarist) at si Lem nga.

 

Pagpapatuloy pa ni Lem, “Kailangang, alam mo yun, magkakaibang ugali, millennials tapos Gen Z, medyo mahirap pagsamahin.

 

“Pero dahil sa music actually nabubuo lahat. Nagiging maayos ang isang malaking puzzle.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • ‘Weeklong activities sisimulan ngayong araw sa pagdiriwang ng Tourism Month 2021 sa Dapitan City’

    All-set na ang Dapitan City government sa pagsisimula ng kanilang weeklong activities na mag-uumpisa ngayong araw September 24 hanggang September 30,2021 bilang pagdiriwang sa Tourism Month 2021 na may temang “Tourism for Inclusive Growth”, sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic sa bansa.     Ayon kay Dapitan City Tourism Officer Ms Apple Marie Agolong, ibat-ibang […]

  • Paano gagawin ng libreng cards sa cashless fare daw?

    HINDI katanggap tanggap kay DOTr Sec. Art Tugade na mamigay ng 125,000 cards lang ang Beep sa mga pasahero. At sangayon ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dito.   Ang magiging problema lang ay ang pamamahagi ng cards. Kung mag prioritize sila ng mga indigent, unemployed o minimum-wage earners baka kailangan pang mag […]

  • Yee, Davao binulaga ang San Juan sa Game 1 OT

    KUMANAW si ex-pro Mark Yee ng all-around game nang gulantangin ng Davao Occidental Tigers-Cocolife ang defending champion San Juan Knights Go For Gold sa overtime, 77-75, para sa 1-0 lead  sa pinagpatuloy na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019-20 National Finals best of five series sa Subic Bay Gym Miyerkoles ng gabi.   […]