• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOJ: Extradition ni Teves, maaantala pa

INAASAHANG maaantala pa ang extradition o pagbabalik sa Pilipinas kay dating Negros Oriental representative Arnolfo Teves, Jr.

 

 

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) na kinakailangan pa kasing dumaang muli sa panibagong proceedings ang extradition case ni Teves sa Timor Leste bilang resulta ng procedural objections na isinagawa ng mga abogado nito.

 

Ayon naman kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, sa nasabing panibagong pagdinig, ang mga parehong ebidensiya laban kay Teves ay ipiprisinta muli, ngunit sa pagkakataong ito ay sa harap naman ng tatlong hukom.

 

Sa kabila nito, kumpiyansa ang DOJ na pareho rin ang magiging resulta ng panibagong proceedings at sa lalong panahon ay mapapauwi sa Pilipinas ang pinatalsik na mambabatas upang harapin ang inihaing multiple murder charges laban sa kanya.

 

Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay da­ting Negros Oriental governor Roel Degamo sa loob mismo ng kanyang tahanan, na ikinasawi rin ng siyam katao pa.

 

Sa kanyang panig, tiniyak naman ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na anumang taktika ang gamitin ni Teves ay hindi nito mahahadlangan ang kanilang determinasyon na maibalik siya sa Pilipinas upang panagutan ang mga kinakaharap na kaso. (Daris Jose)

Other News
  • Anti-drug policy ni PBBM, makatao, mas epektibo— House drug panel chief

    PINURI ng chairman ng House Committee on Dangerous Drugs ang pinaiiral na bloodless anti-illegal drug campaign ni Pangulong Bongbong Marcos.         Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang bagong pamamaraang ito ay ganap na nagpahinto sa mga pang-aabuso ng mga dating nagpapatupad ng batas kontra sa iligla na droga […]

  • Direk SIGRID, puring-puri sina RHEN at RITA dahil mahusay kahit mga baguhan; wish na maging eye-opener ang ‘Lulu’

    SABI ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, hindi raw niya pupurihin ang isang artista kung hindi mahusay ang acting nito.     Kasi kung hindi raw mahusay ang pag-arte ng artista niya tapos pinuri niya, that will also reflect on her as a director.     Bida sa Lulu, na first series niya about girl-to-girl relationship […]

  • Plaka sa mga sasakyan, paubos na rin – LTO

    MATAPOS  na sumingaw ang problema sa kawalan ng plastic driver’s license ng mga motorista, inamin din kahapon ng Land Transportation Office (LTO) na paubos na rin ang plaka ng mga sasakyan na maibibigay sa mga motorista.     Ayon sa LTO, ubos na ang plaka para sa mga motorsiklo sa buwan ng Hunyo at ubos […]