• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World No. 3 pole vaulter EJ Obiena, nanindigang hindi mag-eendorso ng mga alcohol o gambling-related product

BINIGYANG-diin ni world No. 3 pole vaulter EJ Obiena na hinding-hindi siya mage-endorso ng mga alcohol o gambling-related product.

 

Ito ay kasunod na rin ng umano’y paggamit ng ilang mga kumpanya sa kanyang pangalan at imahe para lang palabasin na ineendorso niya ang kanilang mga produkto.

 

Ang naturang modus aniya ay ginagawa ng mga kumpanya nang wala siyang pahintulot.

 

Tiniyak ni Obiena na hinding-hindi siya mag-eendorso ng mga produkto na maninira sa pagkatao at sa malusog at umuusbong na komunidad.

 

Katwiran ni Obiena, sa kabila ng pagiging legal ng ilang mga gambling sites at pagbebenta ng mga produktong alak, pinipili umano niyang hindi mag-endorse ng mga ito dahil sa bawal ito sa mga kabataan.

 

Dahil sa mayroon itong plataporma na maaaring maka-impluwensya sa mga kabataan, tinatanggap umano niya ang responsibilidad ng may dangal at pagkamababang-loob.

 

Pagtitiyak ni Obiena, gumagawa na rin ang kanyang mga abogado ng akmang hakbang laban sa naturang modus.

Other News
  • ‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP

    KINUMPIRMA  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito.     Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para […]

  • Bago sana manghuli ayusin muna ang sistema ng RFID!

    NGAYON pa lang ay may matinding babala ang ilang opisyal na huhulihin daw ang walang RFID. Tuloy imbes na magdulot ng ginhawa sa paglalakbay ang RFID ay kalbaryo ang nararanasan ng mga motorista. Pagdating daw ng Disyembre 2, 2020, ay huhulihin na ng mga awtoridad ang walang RFID.   Ang RFID sticker ay kailangan lang […]

  • Pasok sina Vilma, Sharon, Maricel, Marian, Kathryn, Eugene at Charlie: NORA, nalaglag sa mga nominado bilang best actress ng ‘GEMS Awards’

    SINA Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Marian Rivera, Kathryn Bernardo, Eugene Domingo at Charlie Dizon ang mga nominado sa GEMS Awards. Bukod sa Star Awards, ay hindi rin nominado si Nora Aunor sa GEMS Awards na magdaraos ng live awarding sa itatakdang petsa at lugar sa taong ito.       Paliwanag pa ng […]