• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ama, kinasuhan ng Human Trafficking ng NBI

SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang isang ama matapos itong arestuhin sa aktong pagbebenta ng kanyang 11-buwang sanggol sa halagang P55,000.

 

 

Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng Special Task Force (NBI-STF) ng NBI.

 

Sinabi ng NBI na nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong natanggap ng NBI-STF na si Crisologo ay sangkot sa pagbebenta ng sariling anak sa online.

 

Dahil dito, ipinag-utos ni NBI Director Jaime B. Santiago sa operatiba ng NBI-STF na magsagawa ng entrapment operation sa Barangay Pag-asa, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip kay Crisologo.

 

Matapos maaresto, ang bata ay dinala naman sa Social Services Development Department ng Quezon City. GENE ADSUARA

Other News
  • Naiyak sa tuwa sa regalong natanggap: Tanging hiling ni DAGUL sa 2023, makabalik sa pag-arte

    ANG bumalik sa pag-arte sa TV ang tanging hiling ng komedyanteng si Dagul para sa 2023.     Bukod daw sa na-miss niya ang umarte, may dalawang anak pa raw siya na pinag-aaral.     Noong magkaroon kasi ng pandemya noong 2020 ay nawalang ng regular na trabaho si Dagul na siyang nakaapekto sa kanilang […]

  • Paghigpit sa pagkuha ng gun license, nonstop crackdown sa loose firearms inirerekomenda ng mambabatas

    NAIS ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mahigpit na screening ang gawin ng Philippine National Police sa mga aplikante ng gun license kasunod na rin sa naganap na pamamaril sa isang dating mayor at dalawa pang katao sa Ateneo de Manila University.     “We have to reinforce the vetting of individuals applying for […]

  • NAGNEGATIBO SA COVID ANG BUONG DELEGASYON NG PBA

    NAKAPAGPRAKTIS na ang Magnolia Chicken, Phoenix Super LPG, Terra Firma, Talk ‘N Text at Manila Electric Company o Meralco nito Huwebes.   Samantalang Biyernes naman ang defending champion San Miguel Beer, Barangay Ginebra San Miguel, Blackwater Bossing, NorthPort Batang Pier, Rain or Shine, Alaska Milk at NLEX.   Matapos ito na walang nasuring may Covd-19 […]