• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, pumayag na sa ‘flexibility’ sa pagtuturo ng bagong K-10 curriculum

SIMULA sa second quarter ng school year, maaari ng i-adopt ng mga eskuwelahan ang class schedule base sa kanilang pangangailangan at kakayahan.

 

 

Ibinatay ito sa revised policy ng Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng MATATAG K-10 curriculum.

 

Nakasaad sa DepEd Order (DO) No. 012, s. 2024, nilagdaan ni Education Secretary Sonny Angara, pinapayagan ang mga paaralan ng gumamit ‘flexibility’ para ipatupad ang bagong curriculum bilang pagbibigay konsiderasyon sa kanilang ‘specific contexts’ gaya ng, subalit hindi naman limitado sa, klase at laki ng eskuwelahan, curricular program offerings, at availability ng mga guro at silid-aralan.

 

Sinasabing nag-aalok ang bagong probisyon ng tatlong opsyon para sa paga-adjust ng instructional time, lalo na para sa Grade 3 hanggang 10.

 

Una na rito ay ang paglalaan ng 45 minuto sa isang araw para sa limang araw para sa lahat ng learning areas, at Homeroom Guidance Program para sa 45 minuto isang beses sa isang linggo, dati ng nakasaad sa DO No. 10, s. 2024.

 

Samantala, batay sa inamiyendahang polisiya, ang mga eskuwelahan ay pinapayagan na magbigay ng ‘uniform time allotments’ na 50, 55, o 60 minuto sa bawat learning area.

 

Ang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)/Technology and Livelihood Education (TLE), Music, Arts, Physical Education and Health (MAPEH), Araling Panlipunan (AP), at Filipino ay dapat na ituro apat na beses sa isang linggo at ang Homeroom Guidance Program naman ay isang beses sa isang linggo.

 

Ang pangatlong opsyon naman ay maaaring gamitin sa mga pagkakataon na ang alinman sa ibinigay na opsyon ay hindi applicable.

 

Pinapayagan nito ang mga eskuwelahan na magpanukala ng ibang kombinasyon kung saan dapat na ang learning contact time ay limang oras at 30 minuto kada araw.

 

Sa ilalim nito, ang time allotment para sa English, Mathematics, Science, at GMRC/Values Education ay hindi dapat na bababa sa 225 minuto kada linggo.

 

Ang time allotment para sa EPP/TLE, MAPEH, AP, at Filipino ay hindi dapat bumaba sa 200 minuto kada linggo, at para naman sa Homeroom Guidance Program ay hindi dapat bumaba sa 45 minuto kada linggo.

 

Ang panukalang kombinasyon ay ‘subject to the approval’ ng School Division Superintendent o awtorisadong kinatawan.

 

Samantala, patuloy namang gagamitin ang tinatawag na ‘Mother Tongue’ bilang medium sa pagtuturo at kaalaman subalit hindi maaaring ialok bilang isang ‘subject o asignatura.’

 

Inatasan naman ang schools division offices na tiyakin na ang technical assistance ay ibinigay sa mga eskuwelahan bilang paghahanda sa mga class programs.

 

Dapat ding tiyakin ng mga eskuwelahan ang patas at pantay-pantay na distribusyon ng ‘teaching loads’ habang pinoprotektahan ang kapakanan ng mga guro. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di hamak na mas madali ang buhay artista ngayon: NADIA, may payo sa mga teenstars na may ‘attitude’

    DAHIL tungkol sa motherhood ang Youtube talk show ni Ynna Asistio na ‘Behind The Scenes With Ynna’ ay nararapat lamang na ang first guest niya ay walang kundi ang ina niyang si Nadia Montenegro.   At dahil sikat na teen actress si Nadia noong ‘80s ay napag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa mga youngstars noon […]

  • Gobyerno, siniguro sa mga Pinoy seafarers na makababalik sa kanilang trabaho matapos na tamaan at makarekober sa COVID- 19

    INALIS ng gobyerno ang pangamba ng mga Pinoy seafarers na baka hindi na sila tanggapin pa ng kanilang employer makaraang kapitan ng corona virus at nakarekober.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, binanggit ni DOLE Secretary Silvestre Bello na hindi problema ang employment opportunity para sa mga kababayan nating seaman.   Ayon naman kay […]

  • QC HALL HINIKAYAT ANG MGA RESIDENTE NITO NA SAMANTALAHIN ANG LIBRENG SWAB TEST

    DAPAT samantalahin ng mga residente ng Kyusi ang ibinigigay na libreng swab testing ng City hall ayon kay QC Mayor Joy Belmonte.     Ang pahayag ay ginawa ni Belmonte nang malaman na may isang ginang ang napa anak sa tricycle dahil hindi tinanggap nang isugod sa ospital dahil walang swab test na isa sa […]