Quiambao sinandalan ng DLSU
- Published on September 11, 2024
- by @peoplesbalita
TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.
Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.
Alam ni Quiambao ang role nito sa Green Archers.
Kaya naman siniguro nitong hindi babagsak ang kanilang tropa.
Nakalugmok sa 64-71 ang La Salle sa huling limang minuto ng laban.
Agad na rumesponde si Quiambao nang magpakawala ito ng matatalim na atake kabilang ang umaatikabong tres sa huling 10 segundo ng laban para makuha ng Green Archers ang panalo.
“Pinoint out ko lang sa sarili ko na kailangan kong mag-takeover mode, so ang ginawa ko lang ay naging glue guy lang ako ng team then good thing naman pumasok ‘yung tira ko,” ani Quiambao na umiskor ng 22 points, 8 rebounds at 7 assists.
-
Private at public, walang pasok sa Maynila ng isang linggo
IDINEKLARA na walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong eskuwelahan sa Maynila sa gitna ng banta ng COVID-19. Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Special Report, na kasalukuyang nasa London ngayon na inadopt na rin ng pamahalaang lungsod ang state of public health emergency base sa deklarasyon […]
-
PDu30, mas pipiliin ang Sinopharm vaccine
MAS pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maturukan ng China-based drugmaker Sinopharm’s Covid-19 vaccine. “He (President Duterte) has said that his preference is for Sinopharm,” ayon kay Presidential pokesperson Harry Roque. Nauna nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas pipiliin niya na maturukan ng bakuna mula sa Chinese vaccine manufacturers. Gayunpaman, […]
-
Deployment ng OFWs sa Saudi, tuloy na
SIMULA sa Nobyembre 7, 2022 ay itutuloy na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasunod ng pagtanggal ng deployment ban sa nasabing bansa. Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, isasama sa bagong kontrata ang pagbibigay ng […]