BI ipapatupad ang ILBO laban sa opisyal ng OVP
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na nakatanggap sila ng kopya ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inisyu laban sa pitong opisyal sa Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kautusan ay natanggap nila nitong November 6 kaya isinama nila ang pangalan ng pitong opsiyal sa kanilang centralized database.
Ang ILBO ay kautusan na inisyu ng Department of Justice (DOJ) na minamanduhan ang mga immigration officers na i-monitor ang biyeehe ng mga indibidwal.
Ang pag-iisyu ng ILBO ay bunsod sa kahilingan ng House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability to the DOJ, na nakapaloob ang subpoena ad testificandum na inisyu laban sa pito dahil sa pagtanggi ng mga ito na mag-attend ng Congressional inquiry.
Pero klinaro ni Iado na ang ILBO ay monitoring purposes lamang subalit hindi pinagbabawalan ang mga ito na umalis ng bansa.
Kung sakaling aalis ang mga ito, ipapaalam lamang ng mga immigration offices sa DOJ at ang House of Representatives ang anumang impormasyon hinggil sa kanilang biyehe at kung may bagong kautusan laban sa kanila.
Sinabi na Viado na ang kautusan ay accessible sa lahat ng immigration officers nationwide, sa lahat ng airports at seaport. GENE ADSUARA
-
Alegasyon ng transport group, Land Bank ayaw mag release ng fuel subsidy
BINATIKOS ng ilang grupo ng transportasyon ang pahirapang pagkuha ng kanilang fuel subsidy mula sa Land Bank of the Philippines (LBP). Ayon sa grupo na ayaw magbigay ng fuel subsidy ang LBP dahil sa election spending ban. Sinabi ni Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines […]
-
NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 15 mga estudyante at kanilang mga magulang ang isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang NavoteƱo na nagpakita ng kakaibang kakayahan sa sining. Sila ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025 na […]
-
Ancajas target na umakyat ng weight division
BALAK ni Filipino boxer Jerwin Ancajas na umakyat ng weight division. Kasunod ito sa pagkatalo niya sa kanyang rematch kay IBF champion Fernando Martinez. Sinabi nito na hindi na ito nababagay sa junior bantamweight division kaya natalo siya. Naniniwala siya na walang naging problema sa kaniyang kondisyon at stamina […]