• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para sa typhoon-impacted communities: South Korea, nagbigay ng P30M sa Pinas

NAGBIGAY ang South Korean government ng P30 milyon bilang kontribusyon sa Pilipinas para magkaloob ng “critical cash assistance” sa mga typhoon-impacted communities habang ang bansa ay matapang na hinaharap ang marami at sunod-sunod na severe weather disturbances ngayong buwan, ayon sa United Nations World Food Programme (WFP).

 

Ang pondo ay idinaan sa pamamagitan ng WFP, kung saan kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para iparating sa 14,500 pamilya na may anak na wala pang limang taong gulang na nakarehistro sa 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) social assistance program ng gobyerno.

 

“The ROK Government hopes that this assistance will support the recovery of the affected areas and help residents in those areas swiftly return to their daily lives,” ang sinabi ng WFP, tinukoy si
South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-hwa.

 

Ayon sa WFP, ang pamilya na kasama sa pinaka-apektadong lalawigan ng Severe Tropical Storm Kristine ay ang Albay at Camarines Sur—makatatanggap ng P3,000 na cash para sa dalawang buwan para sa kanilang agarang pagkain at iba pang pangangailangan.

 

Ang cash assistance ay inaasahan na pandagdag sa food at non-food items na ipinagkaloob ng pamahalaan simula ng tumama ang bagyo.

 

““The Republic of Korea’s timely contribution has ensured WFP’s response, in partnership with DSWD, reaches affected communities and households in areas hardest hit by the latest consecutive typhoons within days,” ang sinabi ni WFP Philippines Representative and Country Director Regis Chapman.

 

“We are grateful for their timely support, enabling WFP to reach people within days through cash transfers,” aniya pa rin.

 

Sa isang kalatas, binigyang diin ng WFP ang papel nito na dagdagan ang government-led response sa pamamagitan ng ‘logistics, emergency telecommunications support, at damage assessments.’

 

Kinokonsiderang “key partner” ng Pilipinas, sinabi ng WFP na ito’y kabilang sa unang nakatulong sa pamahalaan na magdala ng mahalagang tulong sa mga apektadong komunidad.

 

Samantala, naabot na ng DSWD ang mahigit sa 764,500 katao sa Bicol region na may 152,900 family food packs, at transportation support mula sa WFP.

 

“It also co-designed Government Emergency Communications Systems—Mobile Operations Vehicles for Emergency units with the Department of Information and Communications Technology (DICT) “to ensure vital connectivity and support search and rescue efforts.”

 

The WFP also deployed additional Very Small Aperture Terminal—Low Earth Orbit (VSAT LEO) units to improve data connectivity at evacuation centers,” ayon sa ulat.

 

Binigyang diin naman ng WFP ang kahandaan nito na tumulong sa mga lugar na matinding naapektuhan ng mga bagyo lalo na sa Bicol region. (Daris Jose)

Other News
  • TWG, babalangkas ng mga panukala na magpapalakas sa magna carta of small farmers

    Tinakalay ng House Committee on Agriculture and Food ang dalawang panukala na naglalayong palakasin ang Republic Act 7607 o ang Magna Carta of Small Farmers.   Ang House Bill 1007 ay mag-aamyenda sa Seksyon 27, Kapitulo VIII ng  RA 7606, na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa sinumang opisyal o kawani ng National Food […]

  • Sa naganap na holiday party ng NetfliX: HEART, nakitang kasama ang ‘Bling Empire’ star na si KANE LIM

    MAGIGING maganda ang pagtatapos ng 2021 para sa Kapuso actor na si Kristoffer Martin dahil sa pakikipagbalikan sa girlfriend na si AC Banzon na ina ng kanyang anak na si Precious Christine o Pre.     Nag-celebrate ng 5th birthday niya si Pre at namasyal silang tatlo sa isang marine theme park.     Post […]

  • 95% ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa PH, hindi pa bakunado – DOH

    INIULAT ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco T. Duque III na nasa 95% ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa Pilipinas ay hindi pa bakunado.     Ayon kay Duque malaking porsyento ng mga namamatay dahil sa COVID-19 ay mga senior citizens sa bansa.     Samantalang, nakitang nasa 85% ang mga na-admit na […]