• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face classes, depende kay PDu30 – Briones

Nanindigan si Education Secretary Leonor Briones na ang pagbubukas ng School Year 2020-2021 ay tuloy sa August 24 kahit pa walang face-to-face instruction.

 

“We cannot go beyond that because of the requirements of a law that is not yet amended or repealed as of now,” paliwanag ni Briones sa online press briefing sa Oplan Balik Eskwela-Brigada Eskwela (OBE-BE).

 

Wala aniyang pagbabago sa schedule ng klase dahil sa naaprubahan na ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na inanunsyo ng DepEd at ni President Rodrigo Duterte.

 

“As of now, whether we will have face-to-face or no face-to-face, the date [of school opening] remains that it is still August 24.”

 

“We don’t want to go beyond the requirements of the law so it’s August 24 – with or without face-to-face,” dagdag pa nito.

 

“Ang President kasi ang nag-declare na walang face-to-face, so siya ang mag-aaral ng sitwasyon at patuloy na binibigyan namin siya ng impormasyon na kailangan niya .”

 

“Kung ano man ang desisyon, siya ang gagawa nung decision na iyan but the August 24 is still there – with or without face-to-face,” giit pa ni Briones.

 

Panatag naman si Briones na handa ang DepEd sa naturang pagbubukas.

 

“So far, we are still getting ready.”

 

“We’re doing everything but I think, you don’t reach a point that we can say that we are totally, completely ready because by the time that we’re able to respond to the needs, there will be emerging needs,” lahad ni Briones (Daris Jose)

Other News
  • Distribusyon ng P1.7b halaga ng educational aid, matagumpay; ekstensyon, malabo

    NAGING matagumpay ang distribusyon ng P1.7 bilyong halaga ng  educational aid  sa 713,916 benepisaryo.     “Yung ating educational assistance, una nakakatuwa po dahil kahit papaano po ay talagang naging successful po ‘yung anim na Sabado na pamamahagi natin ng ating educational assistance,”  ayon  Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson Rommel Lopez.   […]

  • Gilas Pilipinas inilabas na ang schedule sa 2021 Asia Cup

    Inilabas na ng FIBA ang mga schedule para sa 2021 Asia Cup na gaganapinsa Clark City mula Hunyo 16-20, 2021.     Unang makakasabak ang Gilias Pilipinas laban sa South Korea sa Hunyo 16, 2021.     Susundan na makakaharap nila ang Indonesia sa June 19 at muling haharapin ang South Korea sa June 20. […]

  • IRR ng child car seat law kinuwestyon ng mambabatas, posible umanong magamit sa katiwalian

    Ibinunyag ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na mayroong pagkakasunduan sa pagitan ng mga miyembro ng House Committee on Transportation na irekomenda ang suspensyon sa implementasyon ng Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, at nais nilang maghain ng panukala para isuspindi ang naturang batas.     Bagama’t binigyang-diin niya ang […]