• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Sara Duterte, dinalaw ang chief of staff na nakaditene sa Kamara

VICE President Sara Duterte, bumisita sa kanyang chief of staff, na nakaditene sa Kamara matapos ma-cite in contempt dahil sa “undue interference” sa pagdinig ng komite.

 

 

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, dumating si Duterte sa Batasang Pambansa, Quezon City dakong ala- 7:40 p.m. ng Huwebes at pinayagang mabisita ang kanyang aide na si Undersecretary Zuleika Lopez hanggang alas-10 ng gabi.

 

 

Pagkatapos nito ay nagtungo ang Vice President sa opisina ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte at doon nanatili ng magdamag.

 

 

Ang regular visiting hours sa Kamara ay mula alas 8 ng umaga hanggang ala 5 ng hapon.

 

 

Subalit sinabi ni Velasco na pinayagan si Duterte na bumisita ng lagpas sa visiting hours bilang kunsiderasyon sa kanya.

 

 

Nakipag-koordinasyon na ang kamara sa Philippine National Police sa Quezon City para mag standby kung kinakailangan ng karagdagang security personnel. (Vina de Guzman)

Other News
  • Bagong signaling system ng LRT-1 sinimulan nang ilagay

    Sinimulan na kahapon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ang pagpapalit ng bagong signaling system ng kanilang rail line.     Dahil dito, sinuspinde muna ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, ang biyahe ng kanilang mga tren nitong Linggo, Nobyembre 28.     Batay sa naunang inilabas […]

  • Psalm 62:1

    My soul finds rest in God.

  • Makipag-ugnayan, maghanda para sa La Niña

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at local government units (LGUs) sa Maguindanao province na makipag-ugnayan at maghanda para sa La Niña phenomenon.     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda sa Maguindanao del Sur, sinabi ng Punong Ehekutibo […]