• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming senador, sumama ang loob matapos hindi dagdagan ang pondo ng OVP para sa 2025 – Imee Marcos

Sumama raw ang loob ng labing-isa o labindalawang senador matapos na isnabin ang kanilang apela sa caucus na dagdagan ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025, ayon kay Senadora Imee Marcos.

 

 

 

Tanging binanggit lamang ni Marcos na mga pangalan ay sina Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Christopher “Bong’ Go, Robinhood Padilla at Villar ngunit aabot daw sa isang dosena na mga senador ang masama ang loob.

 

 

“Yes, medyo masama ang loob namin nina Senator Bato, Senator Bong Go, Senator Robin Padilla, Senator Villar. Marami kami. Kasi isang dosena kami yata o labing isa na nagtaas ng kamay at sinabi dagdagan yung budget ni OVP. Kaya lang binalewala eh,” giit ni Marcos.

 

 

Kinwestiyon daw ni Marcos sa caucus kung bakit hindi dagdagan ang budget ng OVP ngunit ang tugon daw sa pagpupulong ay hindi humingi ang opisina ng bise ng karagdagang pondo.

 

 

Tinabla naman ni Marcos ang sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Senadora Grace Poe na capacitated o may kakayahan ang OVP na makapagtrabaho sa P733 million na pondo para sa 2025.

 

 

Giit ng senadora, hindi mangyayari na sasapat ang pondo gayong maraming masisisante na mga empleyado sa OVP at magsasara rin daw ang mga regional aT provincial offices.

 

 

Sa palagay ni Marcos, hindi na magsusumite pa ang OVP ng “wishlist” dahil labis na aniyang bugbog-sarado sa Kongreso ang tanggapan ng bise.

 

 

Pinanatali ng Senado sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill ang P733 million na pondo ng OVP batay na rin sa inirekomendang budget ng Kamara.

 

 

Nakapaloob sa pinal na inaprubahang bersyon ng mataas na kapulungan ang tinapyas na budget ng tanggapan ng bise mula sa orihinal na panukalang pondo na P2.03 billion. (Daris Jose)

Other News
  • Siya pa rin ang nag-iisang brand ambassador ng ‘Beautederm Home’… MARIAN, ayaw pag-usapan ang ‘dream house’ nila ni DINGDONG dahil isi-share din ‘pag tapos na

    SI Marian Rivera-Dantes pa rin ang nag-iisa at official brand ambassador ng Beautéderm Home sa muling pagre-renew ng Kapuso Primetime Queen ng kanyang partnership sa Beautederm for another 30 months.     Nagkaroon nga ng grand celebration of love and friendship sina Marian at Rhea Anicoche-Tan, ang President and CEO, na kung saan nag-marka na […]

  • SC, inilabas na ang buong desisyon ng Anti-Terror Law

    INILABAS na ngayon ng Supreme Court (SC) ang full decision at separate opinions sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020.     Ito ay ilang buwan matapos ilabas ng kataas-taasang hukuman ang dalawang bahagi ng naturang batas bilang unconstitutional.     Siyam na critical questions naman ang kinilala ng SC bilang core issues sa 235 […]

  • Pfizer, hindi nag-demand sa Pilipinas ng gagamiting kolateral kapalit ng bibilhing bakuna sa kanila-Galvez

    SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na hindi nag-demand ang Pfizer sa Pilipinas kapalit ng bakuna laban sa covid 19 na ipagbibili nito.   Para kay Galvez, napakabait ng Pfizer sa Pilipinas lalo pa’t nakita naman nila na may tinatawag na legal challenges ang bansa kaya’t hindi nito binago ang alok nito sa Pilipinas. […]