• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nagbigay ng paglilinaw sa anti-terrorism bill

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang anti-terrorism bill na pinapayagan ang mga awtoridad na ikulong ang mga suspek kahit walang pagsasakdal ng dalawang linggo ay hindi paglabag sa Saligang Batas.

 

Ani Presidential spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Revised Penal Code ang 36-hour pre-trial detention sa terror suspects para maiwasan na makatakas ito at masira ang ebidensiya.

 

“As a [former] trial fiscal, there’s one issue that he has no problems with: that is pre-trial detention,” ayon kay Sec. Roque.

 

“He does not feel that the 14-day period is actually a violation of the constitutional provision that a warrant of arrest can only be issued by a judge because the law does not change that constitutional rule,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Ang batas, na inaabangang titintahan ng Pangulo ay naglalayon din na payagan ang pamahalaan na i- wiretap ang mga suspects at arestuhin ang mga ito ng walang warrant, bukod pa sa ibang probisyon.

 

Sa kabilang dako, nakatakdang magdesisyon ang Pangulo kung lalagdaan o hindi ang batas isang araw o dalawa matapos na matanggap nito ang rekomendasyon ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

 

“Barring constitutional infirmities, he is inclined to sign it but he wants to see the bill. He wants to make a personal determination,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam

    MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.       Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng […]

  • Accreditation ng City Garden Grand Hotel sinuspinde ng DOT

    Sinuspinde ng Department of Tourism (DOT) ang accreditation ng City Garden Grand Hotel sa loob ng anim na buwan.   Napatunayan kasing iligal na tumatanggap ng mga guests ang naturang hotel para sa leisure activities, kahit pa isa itong quarantine facility sa kasalukuyan.   Binawi rin ng DOT ang certificate of authority to operate ng […]

  • Fighting Maroons, haharabas sa abroad

    SA hangaring mas mapalakas at mapataas ang antas ng pagiging kompetitibo, nakatakdang magsanay sa abroad ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons – may anim na buwan ang nalalabi – bago ang opening ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83 sa Setyembre.   Sa pakikipagtulungan ng UPMBT supporter JJ Atencio ng […]