• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Heart, excited na sorpresang once-a-week romantic drama

SA Balesin Island Club sa Polilio, Quezon nagpalipas ng New Year ang Escudero Family, si Sorsogon Governor Chiz, ang wife niyang si Queen of Creative Collaboration na si Heart Evangelista at ang twins niyang sina Quino at Chessi. 

 

 

Mahal ng mag-asawang Chiz at Heart ang Balesin Island, dahil kung matatandaan, doon ginawa ang grand wedding nila na Senator pa noon si Gov. Chiz, at ni Heart in 2015.

 

 

Sa Instagram niya, sinulat ni Heart ang, “Welcoming the new year with the ones who mean the most to me.  This year didn’t turn out how we hoped it would, but still, we are so grateful that we are healthy and strong.  This year gave us a chance to reflect and remember what matters most: family and love.  Cheers to a brand new year filled with experiences, challenges, and opportunities for growth.  I’m so excited for what 2021 will hold.”

 

 

At sorpresa nga ni Heart sa kanyang mga fans ang once-a-week na sweeping romance drama na gagawin niya sa GMA Network, ang I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Tamang-tama naman na matatapos na ang replay ng kanyang My Korean Jagiya na napapanood sa GMA telebabad gabi-gabi after ng Love of my Life.

 

 

Story ito ng isang fashion socialite, na babalik sa kanyang probinsiya, at muling mapapalapit sa kanyang pamilya, sa kanyang community at sa dating boyfriend niya.

 

 

Sa kanyang Twitter, ibinahagi ni Heart ang excitement niya sa bagong show, “yes for my upcoming teleserye – “I Left My Heart in Sorsogon” –  you will see a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon!”         

 

 

At excited na rin ang mga fans ni Heart kung sino ang makakatambal niya sa weekly series, na isu-shoot ang kabuuan sa Sorsogon.

 

 

***

 

 

NAKABIBILIB si Kapuso host Iya Villania-Arellano, dahil daily ay napapanood siya sa “Chika Minute” ng 24 Oras at 6:30PM, at may daily morning show pa sila ni Camille Prats, ang Mars. 

 

 

At  ngayong Friday, January 8, si Iya ang napiling host sa bagong morning show ng GMA Network at Ajinomoto na “Eat Well, Live Well, Stay Well.”

 

 

Makakasama niya ang bagong Kapuso actor, si Chef Jose Sarasola.

 

 

***

 

 

TULOY na at magsisimula na ring mapanood si bagong Kapuso actor  Richard Yap at excited na rin siyang ipapanood sa kanyang mga fans ang pagganap niya sa naiibang role sa bagong genre, na iba sa mga nagawa na niya, ang drama.

 

 

Kaya kaabang-abang ang kanyang unang paglabas sa comedy anthology na Dear Uge sa Sunday, January 10, after ng Wagas, 2:45PM, sa GMA-7.

 

 

Ipinasilip na ni Eugene sa kanyang Instagram ang ilang eksena nila ni Richard: “Our very first fresh episode for 2021, with Richard Yap! Abangan this Sunday sa “DearUgePresents Jing, Ang Bato!”

 

 

Bubuuin ni Richard ang inyong Linggo dahil kinagabihan ay siya ang special guest nina Boobay at Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show na isa rin sa mga genre na gusto niyang masubukan.

 

 

Mapapanood sila pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Other News
  • JULIA, pinupuri ng netizen at celebrities dahil pursigido na makatapos sa pag-aaral; ‘Dean’s Lister’ pa

    PINUPURI si Julia Montes ng netizens dahil sa pagpupursige niya na makatapos sa pag-aaral kahit kasabay ito ng kanyang pag-aartista.     Ang kinukuha niyang kurso sa Southville International School and Colleges ay BSBA Major in Marketing Management, na dahil sa taas ng nakuha grado ay qualify siya sa Dean List ng Second Semester ng […]

  • Mayor Tiangco sa mga barangay executive: exceed expectations

    PINAALALAHANAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga barangay executive na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.     Sa ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, pinangahasan ni Tiangco ang […]

  • Inanunsiyo isang araw bago ang kanyang kaarawan: VILMA, nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit sobrang ingat na

    MAS lalo raw ginagalingan ni Jeric Gonzales ang pag-arte kapag nakararating sa kanya ang pambabatikos ng iba tungkol sa papel niya bilang si Davidson Navarro sa Start-Up PH.     Alam niya na hindi lahat ay kaya niyang i-please, na mayroon pa ring ilan na hanggang ngayon ay hindi matanggap na kasali siya sa cast […]