• August 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PATAY, 2 SUGATAN SA PANANAKSAK NG KAINUMAN

DEDO ang dalawang katao habang malubha namang nasugatan ang dalawa pa matapos pagsasakakin ng isang mister na kanilang nakainuman sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala nina Caloocan police homicide investigators PSSg Jenny Ryan Rodriguez at PCpl Romnick Fabroa ang nasawing mga biktima na si alyas Ben at alyas Michael Talastas habang ginagamot naman sa ospital sina Raul Dais at Mario Andoy dahil din sa mga tinamong sakask sa katawan.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., i-prisinta sa inquest proceedings sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong two counts of murder at two counts of frustrated murder ang suspek na si Anthony Leyte, 45 ng Golden Ville, Brgy. 167, Llano

 

Sa imbestigasyon, bumisita ang mga biktima sa kanilang kaibigan na si Teodorico Gabugan, sa Golden Ville, Brgy. 167, Llano kung saan nagkaroon ng inuman ang mga ito kasama ang suspek na kapitbahay ni Gabugan.

 

Matapos nito, nagpasya ang mga biktima na umalis alas-9:10 ng gabi kung saan sinamahan sila palabas ng bahay ng live-in partner ni Gabugan na si Emma, 55, nang bigla na lamang lumapit ang suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak ng suspek sa katawan ang mga biktima.

 

Dead-on-the-spot si Ben at Talastas habang isinugod naman sa pinakamalapit na pagamutan si Dais at Andoy samantalang mabilis na tumakas ang suspek subalit, kalaunan ay kusang loob na sumuko sa Caloocan Police Sub-Station 7. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads June 20, 2022

  • P3M DROGA NASAMSAM SA BUY BUST SA MAYNILA

    NASAMSAM ang tinatayang P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong naarestong tulak sa magkahiwalay na drug operation sa Maynila.     Kinilala ang mga suspek na sina Abdulmanan Buisan, Sarah Manonong  at Marissa Manansala.     Si Buisan ay naaresto ng mga tauhan ng MPD-Drug Enforcement Unit  kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang  […]

  • Ads September 15, 2021