• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Runway banderang tapos!

PINASINGHOT ng alikabok ni Runway ang mga karibal sa banderang tapos niyang pamamayagpag sa kakahagibis na Philippine Racing Commission Lakambini Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

 

Nirendahan ni class A rider MM Gonzales ang tumawid sa metang kabayo sa tiyempong isang minuto’t 40 segundo sa 1,600-metrong hagaran at nagkaloob sa may ari sa kanya ng gantimpalang P600,000.

 

Pero umangas ding bahagya si Radio Gaga sa unahan at sa far turn kasabayan si Beli Bell na mga bitin lang ang mga pagtatangka.

 

Binulsa ng Radio Gaga horseowner ang P225,000 cash prize sa pagsegundo, P125K sa Cam From Behind sa pagtersero at P50K sa Calbayog  sa pagpang-apat.

 

Suportado ang karera  ng Komisyon ng Karera sa Pilipinas (KKP) o Philippine Racing Commission (Philracom). (REC)

Other News
  • Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan.     Naglabas ang Pamahalaang […]

  • Pahayag ukol sa transport strike: Factual, hindi red tagging -VP Duterte

    NILINAW ni Vice-President at Education Secretary Sara Duterte na ang kanyang mga sinabi ukol sa week-long transport strike bilang “communist-inspired” at isang “painful interference” ay pagsasabi lamang ng katotohanan at hindi red tagging.     Ang pahayag na ito ni Duterte ay matapos na tuligsain ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Rep. France […]

  • MATTEO, inalala na ‘di madali ang pinagdaanan sa showbiz kaya thankful sa mga nakatulong

    EXCITED si Matteo Guidicelli to be one of the hosts of Born To Be A Star, kasama si Kim Molina.   Matapos na maging judge sa katatapos lang na The Masked Singer Pilipinas ay sumabak naman agad sa pagiging judge ng reality competition si Matteo. Tila paborito ng Viva ang mister ni Sarah Geronimo dahil […]