• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinlaro sa publiko na hindi lahat ay masasaklaw ng libreng bakuna sa COVID -19

NILINAW ng Malakanyang na hindi libre sa lahat ang bakuna sa COVID 19 at ito’y sa sandaling may maangkat na ang pamahalaan na vaccine kontra sa virus.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga pinakamahihirap lamang ang mabibigyan ng libreng bakuna habang ang mga may kakayahan namang makapagbayad ay hindi kasama sa free vaccination.

 

Ang panigurado ayon kay Sec. Roque, para sa lahat ang gagawing pag-angkat at hindi lang para sa mga mahihirap.

 

“Hindi po siya magiging libre sa lahat. Iyong pinakamahirap po ang mabibigyan ng libre. Pero gumagawa rin po tayo ng hakbang para iyong mga may- kaya naman po ay makakabili rin ‘no. So iyong ating mga hakbang na ginagawa ay para nga po mag- angkat hindi lang para sa pinakamahirap, kung hindi para sa lahat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kabilang dako, handa ang pamahalaan kahit ngayong taong ito na makabili ng bakuna sa corona virus gamit ang uutangin sa Landbank at Development Bank of the Philippines.

 

Pero kung sakali aniyang naririyan na ang 2021 budget, inihayag ni Roque na duon na lang posibleng hugutin ang para sa vaccine procurement at hindi na kinakailangan pang mangutang sa bangko ng gobyerno.

 

“Oo, humingi rin po tayo ‘no kasi naman ang ating ginawa ay kapag lumabas na, dapat may pera. Kasi kung hindi naman gumawa ng paraan ang Presidente, kung ngayong tao ay pupuwede nang bumili at wala pang budget for 2021, eh di hindi tayo makakabili at wala namang ganiyang budget po doon sa current budget ng 2020. So kumbaga, laging handa po tayo ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kung sumipa na po ang 2021 budget, kukunin po natin doon; hindi na kinakailangang mangutang sa bangko ‘no. Pero kung sumipa po ngayon na mayroon ng vaccine ngayong taong ito, handa rin po tayong bumili,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Pinoy bets may 3 golds sa Para Games

    KUMANA ang Team Phi­lippines ng tatlong gintong medalya mula sa swimming at athletics sa ASEAN Para Games na ginaganap sa Surakarta, Indonesia.     Pinamunuan nina Asian Para Games gold medalist Ernie Gawilan at Roland Sabido ang matikas na kamada ng Pinoy squad kahapon matapos mamayagpag sa swimming competition.     Hataw si Gawilan sa […]

  • Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

    Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.     Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at […]

  • Libreng Ferry ride, extended pa; Higit 2K bus driver sususpendihin – MMDA

    INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong pagpapalawig sa Pasig River Ferry Service (PRFSkalakip ang libreng sakay ngayong buwan ng Marso.   Ayon sa MMDA, pinahaba hanggang Marso 31 ang libreng sakay mula sa orihinal nitong araw na Pebrero 29. “We are happy to hear that people are enjoying the ferry ride going […]