• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO

IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya.

 

Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- labing walong puwesto sa pinakamaraming naitalang kaso ng corona virus, worldwide.

 

Tinatayang, nasa 42 naman ang ranking ng bansa sa dami ng active cases habang sa kaso ng COVID per one million population ay nasa ika- 131 ang Pilipinas.

 

“Sa total number of cases po, tayo po ay 32 sa mundo – nanggaling po tayo sa 18 noong Oktubre. Sa active cases naman po, tayo po ay number 42 sa buong mundo; ang active cases po natin ay 33,603. Sa COVID-19 cases per one million population, tayo po ay nasa 131 dahil ang kaso po natin per one million population ay 4,653 – 131 po tayo. At pagdating po sa case fatality rate o iyong mga namamatay, tayo po ay nasa number 77 – 1.99 po ang ating case fatality rate,” ayon kay Sec. Roque.

 

Pagdating naman sa case fatality rate ayon kay Roque ay nasa ika- 77 aniya ang Pilipinas matapos makapagtala ng nasa 1.99 na case fatality rate.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na patuloy na gagawin ng pamahalaan ang buong makakaya nito para mapababa pa ang kaso ng corona virus.

 

“Well, iyong sa mga dating bumabatikos sa atin, bakit wala po tayong naririnig ngayong nag-improve na po ang ating ranking worldwide. Patuloy po tayong gagawin ang pinakakaya nating gawin para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 at maski mayroon pong mga bagong COVID-19 variant, sumunod lang po tayo sa pakiusap ng Presidente – MASK, HUGAS at IWAS. Iyan pa rin po ang ating panlaban sa COVID-19 kasama na rin po ang tamang pagkain, ehersisyo at sapat na tulog,” pagtiyak ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • ‘ASAP Natin ‘To’ at ‘FPJ: Da King’ ng ABS-CBN, mapapanood na sa TV5 kaya natsugi ang show nina PIOLO at MAJA

    MAPAPANOOD na ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King ng ABS-CBN sa TV5.   So by now, mas malinaw na siguro kung bakit nawala na lang bigla ang Brightlight Production’s blocktimer show na SNL (Sunday Noontime Live) headed by Piolo Pascual and Maja Salvador.   Siyempre, maraming natuwa sa balitang ito kunsaan, malinaw na […]

  • Kate Winslet’s New Limited Series ‘Mare of Easttown’ Debuts Exclusively on HBO and HBO GO

    STARRING Academy Award®, Emmy® and Golden Globe®-winner Kate Winslet (HBO’s “Mildred Pierce”), from creator and writer Brad Ingelsby (“The Way Back”), with all episodes directed by Craig Zobel (HBO’s “The Leftovers”), the seven-part limited series Mare Of Easttown debuts same time as the U.S. on Monday, 19 April at 10am exclusively on HBO GO and HBO, with a same day […]

  • PBBM, pinangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong mula sa pamahalaan sa N. Samar

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t ibang government assistance mula sa  Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at  Department of Labor and Employment (DOLE) sa  Northern Samar.      Sa naging talumpati ng Pangulo, tiniyak nito sa mga residente […]