Mga nasawi sa COVID-19 sa China, umakyat na sa 2,233
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
Umakyat na sa 2,233 ang bilang ng mga nasawi sa coronavirus sa China as of February 21, matapos maitala ang 115 pang mga nasawi sa Hubei province.
Karamihan sa mga nasawi ay nagmula sa Wuhan, kung saan unang nanggaling ang naturang virus, ayon sa daily update mula health commission Hubei.
Nasa 75,000 na katao ang tinamaan ng virus at daan-daan pa ang nasa 25 mga bansa.
Sinabi ng health commission ng Hubei na mayroong 411 na bagong kaso ng virus sa lalawigan, kung saan 319 ang nasa Wuhan at mula sa ibang mga siyudad ang nalalabing bilang.
Sinabi ng China na muli nitong binago ang pamamaraan ng pagbibilang ng mga pasyenteng tinamaan ng novel coronavirus at ngayon ay isasama na lamang nila ang mga na-diagnose sa pamamagitan ng laboratory tests.
Ito ang ikalawang pagbabago ng criteria sa loob lamang ng 8 araw, na maaaring magpagulo sa datos at makapagpapakumplikado sa mga hakbang upang matunton ang pagkalat ng sakit.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ng mga health officials ng China na kasama ang bilang ng mga kumpirmadong pasyente mula Hubei na na-diagnose sa pamamagitan ng clinical methods kabilang ang lung imaging.
Dahil dito, nagresulta ito sa isang araw na malaking pagsipa sa bilang ng mga kumpirmadong kaso noong Pebrero 13 kung saan pumalo sa 14,840 ang naitala.
Sinisi ang pagbabago sa backlog ng mga pasyenteng naghihintay ng nucleic acid tests kung saan nagde-deteriorate ang kanilang kondisyon at nangangailangan ng agarang gamutin.
-
DTI, ipinag-utos ang price freeze sa mga basic good sa oil spill-hit areas
IPINAG-UTOS ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga munisipalidad na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro. Ipinalabas naman ng DTI MIMAROPA ang price freeze bulletin matapos ang oil spill mula MT Princess Empress Oil Tanker sa Balingawan Point na kumalat sa kalapit-lugar. […]
-
Ads October 22, 2022
-
Ads June 29, 2021