• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mo, Billy pupukpukin ni Leo sa center post

LEHITIMONG natirang sentro sina Moala Tautuaa at Billy Mamaril sa San Miguel Beer para sa parating na 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup sa papasok na buwan.

 

Ang dalawa muna ang ipantatapat ni coach Leovino Austria sa 11 kalabang mga koponan habang hindi pa nakakahanap ng dagdag na pamasak sa gitna sa paglaho ni June Mar Fajardo na nag-shin fracture.

 

Iba na rin ang mind-set ng Beermen, hanapan ng solusyon ang team-best averages na 18.87 points at 13.0 rebounds sa nakalipas na taon ni 6-foot-10 slotman Fajardo

 

“The scoring and the rebounding shifted to more than one person, but when it’s all said and done, we’re still a team and we gotta keep going,” reaksiyon ni Tautuaa.

 

Pero hindi naman aniya kinakabog ang 6-foot-8, 245-pound Fil-Tongan sa bago niyang role bilang starting center ng serbesa.

 

“It’s just time for me to step up, just continue to play basketball and help the team as much as I can,” wakas na bigkas ng 30-anyos na top pick ng Talk ‘N Text sa taong 2015.

 

Humigit-kumulang limang buwang mawawala muna si Fajardo matapos operahan ang kanang alulod na nakuha sa praktis noong noong isang linggo kaya mas kailangan ng Beermen ang total team effort sa bawat isang miyembro.

 

“As far as the team goes, we’re full of vets and injuries are part of the game. We all just have to step up,” komento naman ni guard Chris Ross. “Whoever’s been here, the new guys, up to the coaches, we all believe. It’s just adjusting a bit, assigning different roles, and playing a little bit different, and we’ll go from there.” (REC)

Other News
  • PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent

    PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA ang isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic […]

  • Mga debris ng rocket ng China posibleng mahulog sa ilang bahagi ng Pilipinas – Philippine Space Agency

    MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Space Agency ang debris mula sa rocket ng China na Long March 7A (CZ-7A) na maaaring mahulog ang mga debris nito malapit sa Cagayan at Ilocos Norte.     Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China nila ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island […]

  • Pinupuri ng netizens sa ginawang pagdalaw: KIM, sobrang saya na muling makita si KRIS after so many years

    SOBRA saya nga ni Queen of All Media Kris Aquino nang dalawin siya ni Kim Chiu na itinuturing niyang panganay.     Makikita sa IG post ni Kris ang video ng muli nilang pagkikita ng isa sa star ng ‘Linlang’ at nominated din sa Best Actress category ng The 6th EDDYS ng SPEEd na sa […]