• May 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

A2 group o grupo ng mga Senior, nananatiling pinakamababang hanay na nagpapaturok ng bakuna laban sa COVID-19

PATULOY ang panawagan ng paamahalaan sa mga senior citizens o mga lolo’t lola na magpabakuna na.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang mga lolo’t lola ang pinakadelikado sa pinangangambahang Delta variant na mas mabilis ang transmission kaysa sa nauna nang COVID 19.

 

“So success po tayo sa ating mga health frontliners. So ang medyo talaga pong mababang nagpapabakuna ay ang mga seniors. Naku, lolo/lola, kayo po ang pinakadelikado dito sa Delta variant, sana po ay magpabakuna na po kayo,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tiniyak naman ni Sec. Roque na nananatili namang may special lane para sa mga seniors sa harap ng nagpapatuloy na prayoridad na ipinagkaloob ng pamahalaan para sa kanila para mabakunahan.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na tagumpay naman ang vaccination sa hanay ng mga nasa A1 group o sa panig ng mga health workers.

 

Tinatayang, nasa 90% na aniyang mga nasa medical workers ang nababakunahan na sa mga susunod na araw ay makukuha na ang 100%.

 

“So mayroon pong partial compliance at siguro po, kung tatagal pa ay hindi po malayo na talagang io-open na natin iyan for all ‘no, pero hindi pa po sa ngayon dahil mayroon pa tayong obligasyon po, lalo na doon sa mga donated na mga bakuna natin, na ipa-prioritize pa rin natin ang A1, A2 at A3. Ang A1 po ay halos tapos na tayo, 90% na po tayo diyan,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • Enrollment para sa SY 2024-2025, umabot na sa 18 milyon

    UMABOT na sa mahigit 18 milyong mag-aaral ang nag-enroll para sa School Year (SY) 2024-2025.     Base ito sa ipinalabas na data ng Department of Education (DepEd), araw ng Biyernes, Hulyo 26.     Sa Enrollment Monitoring Report for SY 2024-2025 by the Planning Service – Education Management Information System, ang bilang ng mga […]

  • 19% lang ng mag-aaral ang fully vaccinated bago pasukan — DepEd

    UMAABOT  lamang sa 19 percent ng mga mag-aaral ang fully vaccinated laban sa COVID-19 bago magsimula ang pasukan sa Lunes.     Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, ang naturang porsiyento ay mula sa tala ng Department of Health (DOH).     Aniya, ang mababang bilang ng mga mag-aaral na fully vaccinated ay dahil ang […]

  • Malakanyang, umaasang pagpasok pa lamang ng 2021 mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang FDA-abroad

    NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero ng susunod na taon ay mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang food and drug administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa […]