Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors
- Published on November 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag-usap sa mga street vendors lalo na sa Baclaran na nasasakupan ng Pasay at Paranaque City.
Biglang dumagsa at nagsulputan kasi ang mga illegal vendors sa Baclaran makaraan ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat muli ng kinatatakutang sakit na COVID-19.
Ani Abalos, naiintindihan naman njya ang kalagayan ng mga vendors na matagal na nawalan ng kita dahil sa dalawang taon na pandemya.
Iyon nga lamang ang kanyang apela sa mga street vendors ay huwag namang sakupin ang kalsada na para sa mga motorista at pedestrian.
Dahil dito, ipinag-utos ni Abalos ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang pagbabantay sa mga illegal vendors sa Baclaran subalit iniutos din ng opisyal na huwag kukunin ang mga paninda ng mga street vendors for humanitarian reason dahil narin sa alam ng MMDA Chairman na apektado rin sila sa krisis dulot ng pandemya.
At dahil sa nalalapit na ang Pasko, giit ni Abalos ay naiintindihan niya ang kalagayan ng mga street vendors na kailangan kumita ngunit kinakailangan aniya na may disiplina sa lansangan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 para maging maayos at masaya ang lahat sa araw ng Pasko. (Daris Jose)
-
Ads June 8, 2021
-
Pinay figure skater wagi ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy
Nagwagi ng gintong medalya ang Filipina figure skater Sofia Frank sa Asian Open Figure Skating Trophy. Naganap ang nasabing torneo sa Indonesia kung saan mayroong kabuuang points ito na 143.97. Nakakuha ito ng 50.19 points sa Short Program at 93.78 naman sa Free Skating. Nasa pang-pitong puwesto naman ang […]
-
In seismic shift, Warner Bros. to stream all 2021 films
In the most seismic shift by a Hollywood studio yet during the pandemic, Warner Bros. Pictures on Thursday announced that all of its 2021 film slate — including a new “Matrix” movie, “Godzilla vs. Kong” and the Lin-Manuel Miranda adaptation “In the Heights” — will stream on HBO Max at the same time the films […]