• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos isinusulong ang pag-amyenda sa local government code para sa mas maayos na serbisyo

IPINANGAKO ni Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na aamyendahan ang Local Government Code sa kanyang kampanya sa Cagayan de Oro noong Marso 12, dahil sa paniniwalang may mga lumang probisyon na humahadlang sa epektibong pamamahala.

 

Ayon kay Abalos, may mga bahagi ng Republic Act 7160 na naisabatas noong 1991 na hindi na angkop sa kasalukuyang sitwasyon, kaya’t kailangang baguhin upang mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa antas ng lokal na pamahalaan.

 

Inihalintulad niya ang Local Government Code sa isang lumang bahay na unti-unting nagpapakita ng mga suliranin:“Ginawa ito more than 30 years ago, kung baga sa bahay ay nakikita na ang depekto.”

 

Bilang dating Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Abalos na nakipagpulong siya sa mga matataas na opisyal ng mga lokal na pamahalaan mula sa mga gobernador at alkalde hanggang sa mga kapitan ng barangay upang talakayin ang mga probisyong kailangang amyendahan.

 

Sa ginawang pagsusuri, natuklasan ni Abalos na marami sa mga isyung inilabas ng mga lokal na opisyal ay siya ring mga suliraning kanyang naranasan noong siya ay alkalde pa ng Lungsod ng Mandaluyong. Nagsilbi siya bilang alkalde sa loob ng 15 taon at tumanggap ng iba’t ibang parangal tulad ng Gawad Galing Pook, Apolinario Mabini Award, at ang prestihiyosong United Nations Public Service Award.

 

“Una dito ay yung barangay roads. Sabi sa Local Government Code ay dapat barangay ang magpapagawa nito pero alam naman ng lahat na walang kakayahan ang karamihan ng mga barangay para pondohan ito,” saad ni Abalos.

 

Habang may ilang barangay na pinalad na mapabilang sa mga highly-urbanized cities at mayayamang bayan, sinabi ni Abalos na karamihan sa mga barangay sa bansa ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa pondo.

 

Dagdag pa niya, nakasaad din sa kasalukuyang Local Government Code na ang mga lokal na pamahalaan ang may responsibilidad sa pagpapatayo ng mga ospital at paaralan.

 

“Buti kung lahat ng mga LGU natin ay mayaman, pero hindi so saan ngayon kukuha ng pondo ang mga LGUs para magpatayo ng mga hospital para sa mga maysakit nating kababayan at mga paaaralan para sa ating mga kabataan?” ani ni Abalos.

 

Ayon kay Abalos, nililimitahan ng mga probisyong ito ang maayos na pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan sa antas ng barangay, dahil walang malinaw na gabay kung aling mga imprastruktura at proyekto ng mga LGU ang dapat suportahan ng pambansang pamahalaan.

 

“Kaya panahon na para baguhin natin ito para maibigay ang tamang serbisyo ng mabilis sa ating mga kababayan,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

    Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.     Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin […]

  • Sektor na malapit sa kanyang puso: Sen. IMEE, nakipag-bonding sa mga millennial na magsasaka

    ISASARA ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog series para sa buwan ng Enero sa pamamagitan ng two-part special na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel kasama ang mga sektor na malapit sa kanyang puso – ang mga magsasaka at ang kabataan.     Sa araw na ito, Enero 27 at sa Sabado, Enero […]

  • Magkapatid tinuhog ng sariling ama

    “WALANG makikinabang sa inyo kung hindi ako lang”   Ito umano ang sinasabi ng 54-anyos na tricycle driver habang ginugulpi ang 20-anyos na dalagang anak makaraang tumanggi na ang biktima sa umano’y paulit-ulit na ginagawang panghahalay sa kanya ng sariling ama sa Malabon City.   Dahil dito, napilitan nang ipagtapat ng biktimang itinago sa pangalang “Lucy” ang panghahalay ng […]