Abalos, isinusulong ang ‘Super Health Centers’ sa kanayunan
- Published on March 20, 2025
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ni dating DILG secretary at kandidato sa pagka-senador na si Benhur Abalos Jr. ang pagtatatag ng Super Health Centers sa buong bansa upang mapabuti ang serbisyong medikal, lalo na sa mga liblib at kulang sa pasilidad na lugar.
Sa isang panayam sa Tacloban City, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangan ng isang sistematikong imbentaryo ng mga ospital sa buong bansa upang matukoy kung aling hospital facilities ang epektibong pinamamahalaan ng mga pamahalaang panlalawigan at kung alin ang dapat suportahan o pangasiwaan ng pambansang pamahalaan.
“Kailangang i-inventory ang mga ospital. Ilan ang pinapatakbo ng probinsya? Ano ang estado ng mga ito? Kung nahihirapan, dapat pumasok ang pambansang pamahalaan,” aniya.
“May mga probinsya na may ospital pero walang doktor at kagamitan. May mga lugar naman na talagang walang ospital,” dagdag ni Abalos, na binanggit na ito ay bunga ng Local Government Code of 1991 (RA 7160), na naglipat ng pamamahala ng mga secondary at tertiary hospitals sa mga local government unit (LGU), kaya’t sila ang may responsibilidad sa pagpopondo at pagpapatakbo ng mga ito.
“Hindi lahat ng probinsya ay may sapat na pondo para suportahan ang kanilang mga ospital,” aniya, habang binibigyang-diin ang kanyang adbokasiya na amyendahan ang Local Government Code upang matugunan ang mga kakulangan sa pondo at pamamahala ng serbisyong pangkalusugan, pati na rin ang iba pang isyung pumipigil sa epektibong paghahatid ng mahahalagang serbisyong medikal at panlipunan.
Batay sa kanyang karanasan bilang alkalde ng Mandaluyong, iginiit ni Abalos na dapat palawakin ang Super Health Centers upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangang medikal at mapagaan ang bigat sa mga malalaking ospital.
Ipinaliwanag niya na ang Super Health Centers ay pinalakas na bersyon ng barangay health stations na may emergency services, X-ray machines, at diagnostic tools upang maibsan ang pagsisikip sa mas malalaking ospital.
“Ito ang ginawa namin sa Mandaluyong Super Health Centers na kayang tugunan ang mga simpleng kaso upang ang mga ospital ay makapagpokus sa mas malalang kondisyon,” aniya.
Dahil sa geography ng Pilipinas, iminungkahi ni Abalos ang sttategic na pagtatayo ng mga Super Health Centers upang mapalapit ang serbisyong medikal sa mga komunidad na malayo sa mga pangunahing ospital.
“Kung maayos ang Super Health Centers, hindi na kailangang dumagsa ang mga pasyente sa mga ospital. Mas magiging epektibo ang sistema, at mas maraming buhay ang maliligtas,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Abalos ang papel ng PhilHealth sa pagsuporta sa mga LGU sa pamamagitan ng subsidy sa gastusing medikal, ngunit iginiit niya na mas mahalaga ang pagbibigay-priyoridad sa preventive care kaysa sa gamutan.
“Mahalaga ang PhilHealth dahil nire-reimburse nito ang LGUs, pero mas mahalaga ang pagpigil kaysa paggagamutan once of prevention is better than a pound of cure,” aniya, kung saan tinutukoy niya ang Konsulta Program ng PhilHealth, na nag-aalok ng libreng taunang check-up, diagnostic services, at maintenance medication.
“Kailangang malaman ito ng tao,” dagdag niya. “Maraming buhay ang maaaring mailigtas sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at preventive care.” (PAUL JOHN REYES)
-
Hinangaan ang world-class performances kasama sina Julie Anne at Jessica: XIAN, napagkamalan na isang prinsipe sa Saudi dahil suot na attire sa concert
MUKHANG nasabik ang mga kababayan nating Pinoy na nasa Dubai, kaya naman naging matagumpay ang pagbabalik sa live concert events doon, pagkatapos ng two years na binawalan ang mga shows abroad at pahirapan sa pagbibiyahe dahil sa Covid-19 pandemic, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kaya matagumpay ang pagbabalik live concert […]
-
250,000 RESIDENTE NG MAYNILA, NAKATANGGAP NG FOOD BOXES
NAKATANGGAP na ng food boxes na bahagi ng COVID-19 Food Security Program ng pamahalaang lungsod ang mahigit sa 250,000 na residente ng Maynila. Napag-alaman na ang mga residente sa Distrito 1 at 2 sa Tondo ang unang nagbenipisyaryo ng nasabing programa kung saan nasa kabuuang 250,054 food boxes na ang naipamahagi na nagsimula […]
-
Dayuhang huli sa POGO raid, sumailalim sa inquest proceedings sa DOJ
SUMAILALIM na sa inquest proceedings sa Department of Justice noong Pebrero 24 ang mga naarestong dayuhan sa pagsalakay sa offshore gaming operations sa ATI Building sa tapat ng PITX Terminal sa Paranaque City, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission. “Na-inquest na po natin yung mga foreign nationals na nagpapatakbo ng POGO hub dito sa PITX. […]