• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, itinalagang ambassador ng safety ng riders

ITINALAGA ng dalawang grupo  ng motorcycle riders si Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr., sa layuning isulong ang mas ligtas na kalsada para sa mga nagmomotorsiklo at mga guma­gamit ng tatlong-gulong na sasakyan.

Sa ginanap na forum kinilala ng Motorcycle Philippines Federation at Motorcycle Road Safety Warriors si Abalos sa kanyang malawak na karanasan sa serbisyo publiko at dedikasyon sa pamamahala ng trapiko.

“As a leader who has long advocated for road safety, we believe that Benhur Abalos is the right person to champion the welfare of motorcycle and three-wheeled ­riders,” sinabi ng grupo sa isang joint statement. “We trust that he will work towards policies that protect and benefit riders across the country,” anang  motorcycle groups.

Binigyang-diin nina Abalos at ng mga grupo ang agarang pangangai­langan para sa mas mahigpit na mga hakbang sa kaligtasan sa kalsada, kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga aksidenteng may kinalaman sa mga motorsiklo.

Samantala, batay sa datos ng PNP-Highway Patrol Group, may 31,258 aksidente sa kalsada na naitala sa buong bansa noong 2024. Sa bilang na ito, 15,690 ay may kinalaman sa motorsiklo, habang 4,224 ang sangkot ang mga traysikel.

Other News
  • PDu30, nilagdaan ang batas na magtatatag ng heritage zones sa Cebu, Ilocos Sur

    NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dalawang batas na magdedeklara at magtatatag ng heritage zones sa Cebu at Ilocos Sur.     Nakasaad sa Republic Act (RA) No. 11644 o Carcar City Heritage Zone Act ang pagdeklara sa City of Carcar sa Cebu Province bilang heritage zone.     “As such, it shall be […]

  • Tatalakayin ng IATF: posibleng paghihigpit sa pagpapa-uwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week

    NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa iba’t ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais […]

  • NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños

    NAKATANGGAP ang 56 rehistradong mangingisdang Navoteños ng NavoBangka fiberglass boats at lambat mula kay Senator Imee R. Marcos bilang bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng kaarawan nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Tiangco brothers sa Senadora sa ibinigay niyang tulong sa mga mangingisda sa Navotas. (Richard Mesa)