• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos mas gustong sundin si Año, kaysa kay Roque ukol sa face shield policy

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na mas gugustuhin pa niyang sundin ang posisyon ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Eduardo Año na tuluyan nang ibasura ang polisiya ng sapilitang pagsusuot ng face shield kahit walang approval o pagsang-ayon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

 

Ang katwiran ni Abalos, siya at ang lahat ng Alkalde ay direktang nasa ilalim ng superbisyon ni Año, na suportado naman ang posisyon ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na bawiin ang “mandatory wearing of face shield policy” sa Lungsod ng Maynila kahit walang go signal mula sa IATF.

 

“Pero kung talagang gusto igiit… siguro kung ako’y mayor, susundin ko rin si Secretary Año because we’re directly under him,” ayon kay Abalos.

 

Ang reaksyon na ito ni Abalos ay matapos na ituring ni Presidential spokesman Harry Roque bilang “null and void” ang naging hakbang ni Domagoso, na naisapinal na sa pamamagitan ng isang executive order, na malinaw naman na paglabag sa umiiral na executive policy na ipinag-utos ng Pangulo.

 

Subalit biglang bawi naman si Abalos sa kanyang naging pahayag at sabihin na makabubuti kung hihintayin na lamang ng mga Metro mayors ang go signal ng IATF upang maiwasan ang pagkalito.

 

“Pinakamaganda nalang sguro dito hintayin nalang natin sa Huwebes ,” ani Abalos sabay sabing “Lahat kami mga alkalde ng kalakhang maynila naniniwala na dapat na tanggalin.”

 

“Be it as it may, Secretary Año is right, Secretary Roque has a point. Perhaps, on Thursday, during the ATF meeting..it will all be settled,” dagdag na pahayag ni Abalos. (Daris Jose)

Other News
  • Tokyo Olympics organizers walang papayagan audience mula sa ibang bansa

    Nagpasya ang Japan na walang mga audience na mula sa ibang bansa sa hosting nila ng Tokyo Olympics at Paralympics.     Ang nasabing hakbang aniya ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.     Nakatakdang makipagpulong ang Japanese government at Japanese organizing committee ng Summer games sa International Olympic Committee para sa nasabing usapin. […]

  • Kasama si Marian para mag-pin ng badge at medal… DINGDONG, may bago na namang achievement bilang reservist

    DAPAT talagang ipagmalaki ni Kapuso Primetime King at Box-Office King na si Dingdong Dantes ang kanyang latest achievement sa pagiging reservist ng Philippine Navy.     Isa na ngayong certified naval combat engineering officer ang award-winning actor, matapos nang matinding training na kanyang pinagdaanan.     Last Monday, March 25, tinanggap ni Dingdong ang kanyang […]

  • Ads July 4, 2024