• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, nagpahayag ng pakikiisa sa Myanmar, Thailand; nanawagan ng pagsusuri at pag-update ng protocol para sa ‘big one’

NANAWAGAN si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na muling suriin ang umiiral na protocol ng pamahalaan sa pagtugon sa “Big One” sa Metro Manila habang ipinapahayag niya ang pakikiisa sa mga mamamayan ng Myanmar at Thailand matapos ang 7.7 magnitude na lindol na tumama sa dalawang bansa.

Ayon kay Abalos, dapat paghandaan ng pamahalaang Pilipino ang kinakailangang tulong na maaaring hilingin ng Myanmar at Thailand mula sa kanilang mga kapitbahay sa ASEAN at sa pandaigdigang komunidad.

“The international community were there during the times that the Filipinos needed their help due to calamities, we should also prepare the necessary assistance that we could provide if in case the governments of Myanmar and Thailand need help,” saad ni Abalos.

Ayon sa mga ulat ng mga International agencies, tinatayang nasa 700 katao ang nasawi sa Myanmar at Thailand, habang libu-libo pa ang naiulat na nasugatan.

Sinabi ni Abalos na ang epekto ng lindol ay isang wake-up call para sa mga awtoridad ng gobyerno upang muling suriin at i-update ang umiiral na protocol para sa “Big One,” isang malakas na lindol na maaaring tumama sa Metro Manila anumang oras.

Si Abalos, na dating nagsilbing chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ay nagsabing may mga umiiral nang paghahanda para sa “Big One,” ngunit dapat itong regular na i-update upang mas maraming buhay ang mailigtas.

Bukod sa regular na pagsasagawa ng earthquake drills, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangang palawakin ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga dapat gawin pagkatapos ng isang malakas na lindol, hindi lamang para sa mga residente ng Metro Manila kundi pati na rin sa lahat ng ahensya ng gobyerno.

Ipinaliwanag niya na napakahalaga ng unang pagtugon sa matitinding lindol, dahil maraming buhay ang maaaring mailigtas sa loob ng mga unang oras matapos ang sakuna.

“Mahalaga na alam ng ating mga kababayan ang gagawin at alam na alam at kabisado na ng mga ahensya ng pamahalaan ang gagawin in case mangyari nga itong kinatatakutan nating the Big One,” saad ni Abalos. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • ‘Walang indikasyon na magkakaroon ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo’ – Duque

    WALA umanong nakikitang indikasyon sa ngayon na magpapatupad ng lockdown pagkatapos ng halalan sa Mayo 9 dahil sa posibilidad ng pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.     Ayon kay DOH Secretary Frnacisco Duque III, tanging granular lockdowns lamang at hindi malawakang lockdown ang posibleng ipatupad kung kinakailangan.     Maging ang OCTA Research Group […]

  • P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog

    NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.   Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga […]

  • Building Rome Again: Ridley Scott and Team Recreate Ancient Splendor in “Gladiator II”

    STEP back into ancient Rome with Ridley Scott’s Gladiator II! Opening December 4, the sequel boasts stunning sets, intricate designs, and a cinematic scale unlike any other.     Legendary director Ridley Scott is bringing audiences back to the heart of ancient Rome with Gladiator II, his most ambitious project yet. Collaborating with long-time production […]