• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, nangako ng gratuity pay at insentibo para sa mga job order at contract service workers sa gobyerno

NANGANGAKO si senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na magbigay ng regular na gratuity pay at insentibo para sa tinatayang 832,000 contract-of-service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno.

 

Ayon kay Abalos, kung mahalal siya sa 2025, sisiguraduhin niyang mabibigyan ng gratuity pay ang mga manggagawang nasa ilalim ng contract of service at job order, lalo na tuwing Pasko.

 

Ibinahagi rin niya ang kanyang karanasan bilang dating alkalde ng Lungsod ng Mandaluyong, kung saan nakita niyang nakakalungkot na hindi nakatatanggap ng anumang insentibo ang mga COS at JO workers tuwing Kapaskuhan dahil ito ay labag sa mga umiiral na circular ng COA at DBM.

 

“Ako naranasan ko nung mayor ako, talagang awang-awa ako na kung minsan sariling pera ko dahil di ko magastos yung sa City Hall dahil baka mamaya mapahamak ako. That’s a circular of COA at DBM,” isinalaysay ni Abalos.

 

Hindi tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno na may hawak na permanent, casual, temporary, co-terminus, at iba pang posisyon, ang mga manggagawang nasa job order (JO) at contract of service (COS) ay hindi nakakatanggap ng mga karaniwang benepisyo sa trabaho.

 

Batay sa datos ng Department of Budget and Management noong 2023, bumubuo ang mga JO at COS na empleyado ng 29.68% ng kabuuang lakas-paggawa sa gobyerno. Tinatayang mahigit 580,000 sa kanila ang nagtatrabaho sa mga lokal na pamahalaan, habang humigit kumulang 173,227 naman ang nasa iba’t ibang ahensya ng pambansang gobyerno.

 

Ang contract of service (COS) ay isang kasunduan kung saan ang mga indibidwal, kompanya o iba pang entidad ay kinukuha bilang consultant, tagapagsanay o teknikal na eksperto para sa mga natatanging proyekto sa loob ng itinakdang panahon. Samantala, ang job order (JO) ay tumutukoy sa mga trabahong piraso-piraso o pansamantalang gawain na isinasagawa sa maikling panahon para sa partikular na mga tungkulin.

 

“Sa lokal na pamahalaan at pati national government, meron tayong tinatawag na mga regular employees, meron tayong mga casual, merong contractual at meron mga job order. Apat po yan. Pero pagdating sa benepisyo, minimum benefits, ang kawawa lalo na yung dalawa. Yung job order at government service contractors,” saad ni Abalos.

 

Maliban sa mga yunit ng lokal na pamahalaan na may 580,323 JO at COS na manggagawa, ang iba pang ahensya na may kaparehong kasunduan sa trabaho ay ang mga National Government Agencies na may 173,227 manggagawa, mga State Universities and Colleges na may 44,168 manggagawa, mga  Government-Owned and-Controlled Corporations na may 28,667 manggagawa at mga Local Water Districts na may 6,427 manggagawa.

 

“Huwag kayo mag-alala sa mga nakikinig po ngayon, yung mga job order o mga service contractors. Basta nandiyan na po tayo, gagawa tayo ng batas na maski incentive pay, gratuity pay, meron po kayo n’yan. You deserve it,” tiniyak ni Abalos sa kampanya ng Alyansa Para sa Pagbabago sa Negros Occidental. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Hilarious, hard-headed, and honorable: Meet the characters of “Ne Zha 2”

    Now the highest-grossing film of all time, Ne Zha 2 is set to arrive in the Philippines, including in IMAX and 4DX cinemas. The animated sequel brings back the beloved characters from Ne Zha to face a whole new set of challenges. To prepare for the action-packed sequel, here’s   a refresher of the main […]

  • Masaya sana kung magkakasama sa isang filmfest: VILMA, nalungkot din na ‘di nakapasok ang movie nina MARICEL at NORA

    MARAMI nga sana ang nag-aabang na mga big stars talaga bida sa mga pelikulang magiging official entey para sa MMFF.   Pero hindi nakapasok ang mga pelikula nina Maricel Soriano at Nora Aunor. Naitanong nga ang tungkol dito kay Vilma Santos na pasok ang ‘When I Met You in Tokyo.’   “Hindi na kasi namin […]

  • UAAP, NCAA salpukan sa Marso 26

    MAGBABANGGAAN ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA) na sabay na magsisimula sa Marso 26 sa magkahiwalay na venue.     Kumpirmado na ang pagbubukas ng NCAA Season 97 sa naturang petsa habang nauna nang nagpahayag ang UAAP  na sisimulan ang Season 84 ng liga sa parehong petsa. […]