• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos nangakong tutulungan ang mga miyembro ng TODA na makakuha ng fuel subsidy

NANGANGAKO si Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ng tulong para sa mga opisyal at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Metro Manila na matagal nang naghihirap dahil sa pagkaantala ng kanilang fuel subsidy.

 

Sa isang pulong kasama ang United Federations of Tricycle Operators and Drivers Association (UF-TODA) na pinangunahan ni Ace Sevilla sa Cuneta Astrodome sa Pasay City, narinig ni Abalos ang mga hinaing ng mga tricycle operators at drivers ukol sa hirap na kanilang nararanasan sa pagkuha ng fuel subsidy mula sa pambansang gobyerno.

 

Ipinahayag ng grupo na paulit-ulit nilang ini-raise ang mga isyu sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring aksyon mula sa mga kinauukulang ahensya.

 

Ayon kay Sevilla, nais ng grupo na idaan na lamang ang fuel subsidy sa mga lokal na pamahalaan dahil ang kasalukuyang distribusyon ng subsidy ay sa pamamagitan ng mga e-wallet tulad ng GCash.

 

Sinabi ni Abalos, na tumatakbo sa ilalim ng administrasyong Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na nauunawaan niya ang mga alalahanin ng mga tricycle drivers at operators dahil nakipagtulungan siya sa kanila sa loob ng maraming taon, kabilang na ang pagiging legal na tagapayo ng TODA, lalo na sa Mandaluyong City.

 

Batay sa kanyang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng TODA, sinabi ni Abalos na alam niyang hindi lahat ng tricycle drivers ay may smart phone, kaya’t ang iba sa kanila ay walang GCash account.

 

Sa pulong, nangako si Abalos na tutulungan ang mga miyembro ng TODA upang matiyak na matatanggap nila ang fuel subsidy na nararapat sa kanila sa pamamagitan ng pag-angat ng kanilang mga hinaing sa mga ahensya ng gobyerno.

 

Ang fuel subsidy ay inisiyatibo ng pambansang gobyerno upang matulungan ang mga operator at drivers na makayanan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Bagamat nakatanggap na ang mga operator at drivers ng jeepney at iba pang pampasaherong sasakyan ng subsidy, ang ilan sa mga miyembro ng TODA ay hindi pa rin nakikinabang dahil sa mga hamon ng e-wallet. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Ivana, tinupad ang wish ni Lloyd na maging bus washer

    ANG laki ng ipinayat ng Kapuso actor na si Paolo Contis!   Aba, e, nag-lose lang naman siya ng 30 lbs sa loob ng kulang dalawang buwan.   Ang sikreto ni Paolo? Juicing!   Dati nang nauso noon ang juicing, pero, masasabing effective talaga ito. Kasi, nakakapag- take ka pa rin ng lahat ng nutrients […]

  • PDu30, inaprubahan ang pondo para sa ayuda para sa 80% ng populasyon sa NCR

    IBINALITA ni Senador Bong Go na inaprubahan na noong Lunes ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pondo para sa financial assistance na ipapamahagi sa mga kwalipikadong indibidwal sa National Capital Region (NCR) na inilagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.   Nagkakahalaga aniya ito ng P1,000 kada kuwalipikadong […]

  • SINAKSIHAN ng libo-libong Navoteños ang Grand Parade

    SINAKSIHAN ng libo-libong Navoteños ang Grand Parade na bahagi ng pagdiriwang ng ika-118th Navotas Day para personal na makita ang kanilang mga hinahangaang artista na sina Bianca Umali at Jillian Ward sakay ng makukulay na mga float, kasama sina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco. Sumama din sa parada ang mga opisyal, empleyado, senior […]