• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19

UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

 

Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.

 

Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad sa kapuwa na hindi pa bakunado kahit isang beses pa lang.

 

“Ngayon binabakunahan po natin ang first and second doses. ‘Wag na ‘wag kayong magpapabakuna ng pangatlo dahil nagkakakulangan na ng bakuna. Uunahin po natin ‘yung first dose at second dose,” ayon kay Abalos sa isang panayam habang nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa proseso n pagbabakuna sa munisipalidad ng Pateros.

 

“Kaya ako nagsama ng mga awtoridad ngayon para ma-imbestigahan itong mga nagpapabakuna ng booster dahil bilang patakaran, bawal po ito. Hindi dapat gawin ito. Makunsensya naman kayo, and andaming wala pang bakuna, hirap na hirap na nga tayong magbakuna,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

“Ito panawagan ko–kulang tayo sa bakuna ngayon. Makunsensya naman kayo, ‘yung iba wala pang bakuna tapos kukuha kayo ng booster? ‘Wag naman ganun. Ang patakaran natin ngayon, first and second dose as far as government is concerned,” aniya pa rin.

 

Binigyang diin ni Abalos na ang available na bakuna sa bansa na nakuha ng pamahalaan para sa publiko ay binili o donasyon mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.

 

Sa kabilang dako, hindi naman lingid sa kaalaman ni Abalos ang mga balita sa social media na may mga indibiduwal ang di umano’y nakatanggap ng dalawang anti-COVID shots sa Mandaluyong City at nakatanggap ng third shot sa ibang local government unit (LGU).

 

“Siguro ang tanong dito, anong kaso?,” ayon kay Abalos.

 

“For one, tignan natin yung form niya. Kasi may form yan kung ilang shots pa, kung first or second. Tinitignan natin, pinapa-imbestigahan natin. Ngayon kung nilagay mo roon na isa ka pa lang, or dalawa, yun pala pangatlo ka na, that’s falsification,” paliwanag nito.

 

“We have to review our forms here and even review our ordinances here…maawa naman kayo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • AJ, pinagalitan ng ama na si JERIC dahil nag-post ng topless photo kaya deleted na

    ANAK ng dating action star na si Jeric Raval si AJ Raval.     Itong Death of A Girlfriend ang second film ni AJ after Gusto Kong Maging Porn Star.     Dahil mas may experienced si Diego Loyzaga sa acting kumpara kay AJ, malaki raw ang naitulong ng actor para maging comfortable si AJ […]

  • Three of the Best Forces in Philippine Cinema Gather in ‘Uninvited’

    PHILIPPINE cinema’s brightest stars come together in ‘Uninvited’, a gripping thriller-drama set to electrify this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) as it celebrates its golden anniversary.     Loading the powerhouse ensemble cast are Aga Muhlach, Nadine Lustre, and the Star for All Seasons Vilma Santos, supported by an impressive lineup that includes RK […]

  • Omicron isa ng dominant variant sa bansa – DOH

    ITINURING na ng Department of Health (DOH) na isa ng dominant variant sa bansa ang Omicron coronavirus.     Sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ito ay base sa isinagawa nilang genome sequencing.     Base kasi sa genome sequencing na isinagawa noong Enero 3, na 29 sa kabuuang 48 samples ay nakitaan […]