ABS-CBN bias, Cayetano kalma lang sa franchise renewal
- Published on February 15, 2020
- by @peoplesbalita
Inakusahan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na bias ang ABS-CBN kaya dinidinig sa Kongreso ang kanilang franchise renewal na mapapaso na sa Marso 2020.
“Walang doubt na institusyon ang ABS-CBN. Walang doubt na napakalaki ng naitulong sa ating bansa. Pero wala ring doubt na may mga issues, kaya nga sinabing ABias-CBN,” ayon kay Cayetano.
Paliwanag pa ni Cayetano, hindi umano nila prayoridad ang franchise renewal ng ABS-CBN lalo’t may mas mahalaga pang mga bill na dapat pag-usapan.
Ayon pa, kung magsimula na ang pag-usisa sa ABS-CBN franchise renewal ay magpo-pokus ang mga kongresista sa nasabing bill dahil nais nilang makapagbigay ng opinyon ukol dito.
“Kung gusto kong mag-grandstand, papatawag ako ng hearing agad…Pero is it the right timing? Tayo ba lahat nasa right frame ng mind ngayon o may mainit ng ulo pa?”
“Hindi [ito] ganoon ka-urgent. Bakit? Kasi hanggang March 2022, pwedeng mag-operate,” saad nito.
Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III at Rep. Tonypet Albano na kahit mag-expire ang prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020, ay pwede pa silang mag-operate hanggang 2022 sa pagtatapos ng 18th Congress hanggang may bill para sa kanilang renewal.
-
Ilang mga NBA players posibleng hindi na makasali sa Olympics dahil sa COVID-19 pandemic
Hindi pa matiyak ni Golden State Warriors coach Steve Kerr kung mayroong mga NBA players na maglalaro sa Tokyo Olympics. Sinabi ni Kerr na tatayo bilang assistant coach ni Gregg Popovich ng USA Basketball Team, na wala itong idea kung paano ang takbo ng nasabing torneo. Dagdag pa nito na wala pa kasi […]
-
Memoriam wall sa mga yumao,itinatag ng Quiapo church
Nagtatag ng memoriam wall ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa harap ng simbahan kung saan maaaring isulat ang pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay lalo na ang nasawi sa coronavirus. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng basilica, ito ay pakikiisa ng simbahan sa panawagan ng […]
-
Approval, trust ratings ni Pangulong Marcos bumaba; Sara tumaas
DUMAUSDOS pababa ng 2 puntos ang nationwide approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumaba ng 5 puntos ang kanyang trust ratings, batay sa latest Ulat ng Bayan survey ng Pulse Asia. Mas mababa ito sa approval rating ni Marcos na 55 percent noong Marso na ngayon ay nasa 53 percent […]