Abueva, Sangalang bagong 1-2 pambato ng Magnolia
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
LUMALABAS na sina big man Ian Paul Sangalang at stalwart Calvin Abueva na ang bagong 1-2 armas ng Magnolia Hotshots sa nalalapit na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021.
Ilanga raw pa lang dumating si ‘The Beast’ Abueva sa Pambansang Manok na trinade ng Phoenix Super LPG kasama ang first round (10th overall) pick sa 36th PBA Draft 2021 sa Marso 14 para kina veteran guard Chris Banchero, first round (sixth overall) at second-round (18th overall) picks ng isa tatlong team ng San Miguel Corporation.
Hindi umabot ng semifinals ang Magnolia sa nakaraang taong all-Pinoy conference nang malitson ng Fuel Masters sa quarterfinals sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre.
Sang-ayon nitong Lunes kay Sangalang, 29, 6-7 forward/center at tubong Lubao, Pampanga, ang 33-anyos, 6-3 forward na isinilang sa kalapit na Angeles City, ang missing link nila sa nagdaang taon.
“Si Calvin malaking bagay ngayon sa amin kasi parang siya ang missing spot sa team. Kung napapansin ninyo, during our past season, lagi kaming talo sa dulo kasi merong kulang samin,” litanya ng four-time champion at incoming eight-year pro.
Idinagdag pa ni Sangalang, na malamang na makasabay na ang manok sa mga astig na koponan sa unang Asia’s play-fore-pay hoop dahil sa malaking maitutulong ng do-it-all wingman na katropa niya sa National Collegiate Athletic Association (NCAA)-San Sebastian College Golden Stags pa sila.
“Medyo makakasabay na kami ngayong season kasi ‘yung kulang na ‘yon kaya naman siguro ibigay ni Calvin and naniniwala talaga ako kay Calvin na malaki ang maitutulong niya sa amin gaya ng college kami sa Baste.”
Aminado si Abueva, na mabigat ang pressure sa kanya, pero nakahanda aniya siyang ibigay ang lahat upang muling makakuha ng kampeonato kasama ang Hotshots at magiging pangalawa pa lang niya sa pangsiyam niyang taon sa propesyonal na liga na magbubukas sa taong ito sa Abril 9.
“Super pressured sa akin kahit saan team ako malipat, pero I’ll do my best na talagang umangat kami at we need to win more championship,” bulalas ng 2013 Commissioner;s Cup champion nang nasa Alaska Milk pa. “Ito na siguro ang pagkakataon para makakuha ulit ako ng championship,” wakas niya. (REC)
-
Ads August 19, 2024
-
PSG, handang mamatay para kay PDu30-Sec. Roque
HANDANG mamatay ang Presidential Security Group (PSG) para protektahan ang seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Malakanyang sa paggamit ng PSG nang smuggled at hindi FDA approved na COVID-19 vaccine. “Alam ninyo po ang PSG bagama’t iyan po ay—ang mga tauhan niyan ay galing sa lahat ng sangay ng […]
-
20 KATAO SUGATAN SA PANIBAGONG KAGULUHAN SA JERUSALEM
NASA mahigit 20 Israelis at Palestinians ang nasugatan sa panibagong mga insidente ng kaguluhan sa Al-Aqsa Mosque compound sa Jerusalem ito ay dalawang araw matapos ang nangyaring major violence sa naturang site noong nakalipas na linggo. Bunsod nito, pumapalo na sa mahigit 170 ang bilang ng mga nadamay at nasugatan sa naturang kaguluhan […]