• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Acting Sec. Chua, ganap ng Kalihim ng NEDA

KINUMPIRMA ng Malakanyang ang opisyal na pagkakahirang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Karl Kendrick Chua bilang Kalihim ng National Economic and Development Authority (NEDA).

 

Si Secretary Chua sa Duterte Administration na may propesyonalismo, kakayanan at integridad bilang Undersecretary ng Department of Finance at Acting Secretary ng NEDA.

 

“With the aforesaid traits we are confident that Sec. Chua would continuously and consistently perform well in his present but crucial task of jumpstarting our economic recovery amid the COVID-19 pandemic,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Congratulations to Sec. Chua and we wish him all the best,” ang pagbati ni Sec.Roque.

 

Matatandaang Abril ng nakaraang taon ng italaga ni Pangulong Duterte si Chua bilang acting Socioeconomic Planning secretary.

 

Kinumpirma ito ni Executive secretary Salvador Medialdea.

 

Ito ay matapos magbitiw sa kaniyang pwesto si Socioeconomic Planning secretary Ernesto Pernia.

 

Sa kanyang pagbibitiw binanggit na dahilan ni Pernia ang personal reasons at ang hindi aniya pagkakahalintulad ng development philosopy niya sa ilang kapwa niya cabinet members. (Daris Jose)

Other News
  • Racasa, aarangkada na ngayong taon

    NAIBULALAS ni Antonella Berthe Racasa ang saya nang pormal na tanggapin ang Antonio Siddayao trophy sa kadaraos na SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.   Kaya determinado ang 12-taong-gulang na Pinay woodpusher na mas pag-igihan pa ang kanyang kampanya sa mga lalahukang torneo ngayong 2020 upang bigyan ng […]

  • ‘Pastillas Scheme’, paiimbestigahan ng Immigration

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Bureau o Immigration commissioner Jaime Morente ang responsibilidad na alamin ang katotohanan sa sumbong sa senado na diumano, may umiiral na Pastillas scheme sa immigration sa airport.   Lumabas kasi sa pagdinig ng senado na diumano, ang mga Chinese national na pawang mga pogo worker ay binibigyan ng special treatment […]

  • CARA, nabigyan na nang pagkakataong maipakita na kayang makipagsabayan sa pag-arte

    HATID ng Best Director ng Gawad Urian noong 2019 na si Denise O’Hara, ang isang nagbabagang adult drama na The Wife, na exclusive na mapapanood sa Vivamax ngayong February 11.     Pinagbibidahan ito ng mahusay na aktres na si Louise delos Reyes, kasama sina Diego Loyzaga at breakthrough star mula sa Pornstar 2, Hugas […]