• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Active COVID-19 cases sa NCR nakikitang papalo sa 58-K sa katapusan ng Setyembre

Binago ng Department of Health (DOH) ang kanilang COVID-19 case projections para sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay Health Under­secretary Maria Rosario Vergeire, patuloy na kumakalat ang virus pero sa mas mabagal na rate.

 

 

Sa kanilang tantiya, maaring aabot ang COVID-19 active cases ng 58,117 pagsapit ng Setyembre 30 bago ito bababa sa 54,780 sa Oktubre 15 at 46,536 sa Oktubre 31.

 

 

Nakikita rin nila na sa Oktubre maitatala ang peak pagdating sa mga active cases o iyong mga pasyenteng nagpapagaling pa sa COVID-19.

 

 

Samantala, sinabi rin ng DOH na posibleng makapagtala ng 6,085 na bagong mga kaso ng COVID-19 pagsapit ng Setyembre 30.

 

 

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na maari pa ring magbago ang mga projections na ito dahil nakabase lamang ang mga ito sa kanilang assumptions at mga pagbabago sa actual case trend.

Other News
  • Napili para gumanap na Ninoy Aquino: JK, happy, honored and scared dahil ‘di ganun kadali ang role

    SI JK Labajo ang napili para gampanan ang mahalagang papel ni Ninoy Aquino sa pelikulang ‘Ako Si Ninoy’ ng Philstagers Films.     Kaya tinanong si JK kung ano ang naramdaman niya noong ialok sa kanya ang pelikula.     “When I was offered the role I was really happy and scared at the same […]

  • Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system. Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels. May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang […]

  • Pagtatayo ng Regional Center Hospital sa Cavite, ipanukala

    HINDI na kinakailangan lumawas pa ng Maynila ang isang pasyente upang magpagamot kung may nakatayong isang Regional Specialty Center Hospital sa mga probinsiya.   Bunsod nito, sinabi ni  Senator Imee Marcos na pabor siyang  pondohan ang pagpapatayo ng isang  Regional Specialty Center  Hospital sa kanyang talumpati bilang guest of honor sa Parada ng Bayan at 111th […]