• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Adelaide 36ers talo kontra Perth Wildcats

Nanghina muli si Kai Zachary Sotto sa pagsabak bilang starter nang malasap ng Adelaide 36ers ang kalunos-luos na 112-97 pagsemplang laban sa Perth Wildcats sa Australia’s 45th National Basketball League 2022-23 regular season game noong Sabado ng gabi sa RAC Arena.

 

 

Umiskor lang ang 7-foot-3 Pinoy import ng apat na puntos mula sa 2-of-6 shooting dagdag ang tig-2 rebounds at blocks sa 10 minutong salang para sa pagbagsak ng 36ers sa ikatlong sunod na olats.

 

 

Naging starter sa nakaraang taon, bumulusok ding paibaba ang dating Ateneo de Manila University Blue Eaglets center sa huling dalawa salang.

 

 

Nagpabibo naman ang Wildcats laban 36ers na tumalon sa mabilis na double-digit na abante, na umabot pa sa 32-17 pagkatapos ng unang 10 minuto ng paligsahan. Naiwanang Adelaide ng hanggang 32. (CARD)

Other News
  • ENDORSEMENT NG RELIGIOUS GROUP, HINDI IKINABAHALA NI ISKO

    HINDI nababahala si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga endorsement ng mga Catholic charismatic group sa kanyang  mga katunggali sa pangkapangulo para sa May 9,2022 elections.     Kamakailan lamang ay  inendorso ng El Shaddai ang nangunguna sa survey na si presidential candidate  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Pero, aminado si Moreno na […]

  • Ads January 19, 2023

  • WHO idineklarang ‘pandemic’ ang COVID-19

    SINABI ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagiging pandemic ng sakit.   Noong kasagsagan ng pagdami ng tinatamaan ng sakit na SARS hindi idineklara ng WHO na ito ay nasa pandemic level.   Huling ginamit ng WHO ang deklarasyon ng “pandemic” sa 2009 H1N1 o swine flu outbreak, pero binawi rin […]