• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Administrasyong Marcos, “double time” sa pagtatrabaho para mabawasan ang posibleng epekto ng El Niño phenomenon

DOUBLE TIME ang administrasyong Marcos sa pagtatrabaho  para bawasan ang  panganib at negatibong epekto ng El Niño phenomenon.

 

 

Sa three-page report ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  sinabi nito na muling binuo ng gobyerno ang “El Niño team” sa pangunguna ng Department of Interior and Local Government (DILG) kasama ang ibang  member-agencies.

 

 

Ang  team ay inatasan na ipatupad ang mga hakbang para pagaanin ang epekto ng  El Niño sa ekonomiya ng bansa, natural resources, environment, climate change, disaster response, at peace and order.

 

 

Ang muling pagbuo sa El Niño team  ani GAlvez ay tugon sa naging direktiba ng Pangulo para ipatupad ang  “Whole-Of-Government” and a “Whole-Of-Nation” approach para maghanda para sa posibleng  malawakang  dry spell o panahon ng tagtuyot.

 

 

“The reconstituted team is in consonance with the President’s directive of reviving the existing protocols and Task Force for El Niño as he emphasized that the current Expanded Roadmap for Addressing the Impact of El Niño (E-RAIN) will also be updated and enhanced,” ayon kay Galvez.

 

 

Ang pagpapalabas ng resolusyon ay nagpapahiwatig na ang adoption ng umiiral na  E-RAIN framework ay rekomendado at kung kinakailangan, ipinapanukala ang paglikha ng Technical Working Group is also suggested.

 

 

“The monitoring of resources, the recommendations of the concerned agencies and the strategies employed by the previous administrations shall be taken as inputs to enhance the E-RAIN framework,” ang sinabi ni Galvez sa Pangulo.

 

 

“The reconstituted El Niño team has agreed to update and improve the E-RAIN, specifically the areas of concern such as food security, water security, energy security, health and public safety,” ayon pa rin kay Galvez.

 

 

Aniya, nagkasundo aniya sila na ipagpatuloy ang umiiral na istraktura ng  El Niño Task Force gaya ng nakasaad sa ilalim ng  “EO No. 16 series of 2001 na inamiyendahan ng Memorandum No. 38, series of 2019, na isama ang  local government units.

 

 

Samantala, makikipagtulungan naman ang mga lokal na opisyal sa ibang tanggapan at mangangalap ng mahahalagang data na pagsasama-samahin ng  National Economic and Development Authority (NEDA) habang ang pribadong sektor at ibang organisasyon ay kailangan ma-involved sa adaptation ng  “Whole-of-Nation” approach.

 

 

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang posibleng epekto ng  El Niño, sinabi ni  Galvez na bibisitahin niya ang Cagayan Valley para personal na i-assess ang situwasyon sa regiyon bilang “one of the most likely affected” ng  dry spell.  (Daris Jose)

Other News
  • Ryan Reynolds’ Wade Wilson Meets His Own Variants in New ‘Deadpool & Wolverine’ Trailer

    ONLY a few days away from Marvel Studios’ only movie of 2024, promotion has officially entered its final stage.   The official Marvel X account unveiled a new trailer for Deadpool & Wolverine which is composed of almost entirely new footage, and also reveals new looks at two characters confirmed to appear in the film. […]

  • DOTr: Sinimulan ang pag-aaral ng privatization ng EDSA busway; LTO maghihigpit sa overloading

    SINIMULAN  na ng Department of Transportation (DOTr) ang paghingi ng mga insights mula sa pribadong sektor para sa planong privatization ng EDSA busway.     Humingi ng mga feedback mula sa mga posibleng investors ang DOTr na gustong magtayo, mag-operate at mag-maintain ng transport projects sa ilalim ng public-private partnership (PPP) scheme ng pamahalaan.   […]

  • Barko ng Pinas ‘binomba’ uli ng China, binangga pa

    MATAPOS  ang pag-water cannon sa mga barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Sabado, ang mga barko naman ng Pilipinas na magsasagawa ng rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre ang binomba ng tubig ng China Coast Guard, Linggo ng umaga.     Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for […]