• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa

PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

 

 

Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Pari, kinakailangan ng naangkop na hakbang upang tugunan ang tunay na kalagayan ng karapatang pantao sa bansa sa gitna pagbubulag-bulagan ng lahat lalu na ang mga opsiyal ng pamahalaan.

 

 

Umaasa si Fr. Buenafe na magsilbing daan ang pagsusuri ng U-N-H-R-C Universal Periodic Review upang maobliga ang administrasyong Marcos na siyasatin at bigyang katarungan ang mga human rights violation sa bansa partikular na noong nakalipas na administrasyong Duterte.

 

 

“The Universal Periodic Review must push the Marcos administration to end impunity and exact accountability for human rights violations. The victims demand justice. Mr. Remulla what is needed is real action for real justice.”  pahayag ni Fr. Buenafe

 

 

Matapos ang pagsusuri, inirekomenda ng U-N-H-R-C) sa Marcos administration ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng extrajudicial killings at iba pang human rights violation sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Naunang iginiit ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na walang umiiral na ‘culture of impunity’ sa bansa.

 

 

Sa kasalukuyan, hindi tugma ang tala sa tunay na bilang ng mga nasawi sa kontrobersyal na War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte kung saan nasa 7,000 lamang ang opisyal na tala ng pulisya habang aabot naman sa mahigit 30,000 ang datos na naitala ng mga human rights groups. (Daris Jose)

Other News
  • Julie Anne San Jose and Rayver Cruz Team Up for GMA Public Affairs’ Film Debut, ‘The Cheating Game’

    THEY say when you get cheated once, ‘poor you.’ You get cheated on again, ‘shame on you.’ In a world where love is a gamble, how far are you willing to play the cheating game?     This July 26, brace yourselves as GMA Public Affairs proudly presents its first-ever film offering, “The Cheating Game,” featuring two […]

  • Fernando, humakot ng 24 na parangal para sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Panibagong milyahe ang nakamit ng Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pagtanggap nito ng kabuuang 24 na nasyunal at rehiyonal na parangal para sa unang anim na buwan ng ikalawang termino ng punong lalawigan.     Inialay ni Fernando ang mga parangal sa mga […]

  • Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters

    Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic.     Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic.     Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. […]