ADMU suportado ang seniors na gustong mag-pro
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
Walang balak ang Ateneo de Manila University na hadlangan ang mga senior players nito na nagnanais pumasok sa professional leagues sa basketball at volleyball.
Ito ang parehong inihayag nina men’s basketball head coach Tab Baldwin at women’s volleyball head coach Oliver Almadro kung saan parehong susuportahan ng dalawa ang sinumang players nito na magpapasyang mag-pro.
Nakansela ang UAAP Season 83 habang tentative pa lamang ang pagbubukas ng UAAP Season 84 dahil sa epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Dahil dito, ilang senior players na ang na-extend ang kanilang pananatili sa unibersidad.
Kaya naman hindi hahadlangan ng Ateneo ang sinumang gusto nang mag-pro.
“I would never stand in a player’s way about his career,” ani Baldwin.
Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players na graduate na, malalim pa rin ang lineup ng Blue Eagles dahil nananatili sa koponan ang ilang matitikas na players at bagong recruits.
Nasa Blue Eagles pa si Ivorian Angelo Kouame habang papasok pa si Gilas Pilipinas standout Dwight Ramos na mala-pro na ang paglalaro.
Sa kabilang banda, wala pang pinal na desisyon si Lady Eagles opposite hitter Kat Tolentino kung lalaro pa ito sa kanyang final year o magpo-pro na.
-
1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU
UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan. Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng […]
-
DINGDONG at ANGEL, kasama sa tatanggap ng ‘FAN 2021 Cinemadvocates’ ng FDCP dahil sa kontribusyon nila sa Pelikulang Pilipino
SA ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) magbibigay rin ng special awards para magbigay-pugay sa mga film stakeholder na may napakahalagang kontribusyon sa industriya at patuloy na nagtatrabaho para sa ikabubuti ng Pelikulang Pilipino. Ang ‘Cinemadvocates’ ay special segment ng FAN ngayong taon para kilalanin ang […]
-
Thankful na nakasama sa top-rating afternoon series: ALLEN, bumili ng pick-up truck para may remembrance
THANKFUL ang mahusay na actor na si Allen Dizon na naging part siya ng cast ng top-rating GMA Afternoon drama series na “Abot-Kamay na Pangarap”, na kung saan gumaganap siya bilang katambal si Carmina Villarroel. Nakabili siya ng Toyota Hilux pick-up truck, mula sa talent fee niya, para raw may remembrance sa […]