• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

AFC Asian Cup 2027 Qualifiers gaganapin sa New Clark City

INANUNSIYO ng Philippine men’s football team na sa New Clark City Stadium sa Capas, Tarlac na gaganapin ang AFC Asian Cup 2027 Qualifiers sa Marso 25.
Ito ay sa kadahilanan na ang Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila ay sumasailalim ng renovation.
Taong 2022 ng maghost na rin ang New Clark City ng Philippine Football League habang ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang PMFT.
Una ng nakapag-qualify ang Pilipinas sa semifinals ng ASEAN Mitsubishi Electric Cup.
Makakaharap ng Pilipinas ang Tajikistan at Timor-Leste para sa nasabing qualifiers kung saan ito ay nasa final round na at ang top teams sa bawat anim na grupo ay pasok na sa Asian Cup.
Other News
  • Bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce: Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, nasa ‘high alert’

    INILAGAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa ‘high alert’ bilang bahagi ng ibayong paghahanda sa Bagyong Marce.   “Salubungin natin ang Bagyong Marce na may ibayong paghahanda, sa abot ng ating makakaya, alinsunod sa mga matagal ng nailatag na mga patnubay sa ganitong hamon,” ang sinabi ni Pangulong Marcos. […]

  • MARITIME SECTOR, TUTULONG SA 12 FILIPINO CREW NA NAGPOSITIBO SA COVID 19

    HANDANG tumulong ang maritime sector  ng Department of Transportation (DOTr),na binubuo ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine Coast Guard (PCG),kasama ang mga miyembro ng ahensya ng One-Stop Shop (OSS)Port of Manila  sa lahat ng mga tripulanteng Pilipino na nagpostibo sa COVID-19 sakay ng container ship mula India.      Sa […]

  • 4 huli sa aktong sumisinghot ng droga sa Valenzuela

    BAGSAK sa selda ang apat na katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Sa ulat ni PMSg Ana Liza Antonio kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang Station Drug Enforcement Unit […]