AFP PUSPUSAN ANG GINAGAWANG DISASTER RELIEF OPS AT DAMAGE ASSESSMENT
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
PUSPUSAN ngayon ang isinasagawang search, rescue and retrieval and clearing operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng Bagyong Rolly.
Ongoing na rin ngayon ang isinasagawang relief distribution ng militar kasama ang DSWD.
Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga ground commanders sa humanitarian, disaster and relief operations.
Subalit naka-alerto rin laban sa mga rebeldeng grupo na samantalahin ang isinagawang humanitarian and disaster mission.
Aniya, may pwersa ring naka pokus para i mantene ang peace and order lalo na duon sa mga lugar na may mga komunistang rebelde ang nag-ooperate.
Kahapon nagsagawa ng aerial inspection ang militar sa Catanduanes at sa airport nito para makita ang pinsala na dulot ng hagupit ng Bagyong Rolly.
Nagsagawa naman ng relief operations ang 51st Engineering Brigade ng Phil Army sa Baao, Camarines Sur kung saan namahagi itong ng food packs sa komunidad.
Nanguna din sa road clearing operations ang mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa Sorsogon.
Tumulong din ang mga ito sa repacking at pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan nating biktima ng Supertyphoon Rolly.
Ang Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon at ang Philippine Navy Islander ay nagsagawa naman ng damage assessment mission sa Catanduanes area.
Ang Navy Islander NV312 sa pangunguna ng Pilot In Command, Lt. Cdr. Mark Licos, lumipad sa coastal arwas San Andres at Virac City para i-assess ang pinsala sa lugar na dulot ng Bagyong Rolly. (Ara Romero)
-
JOYCE, sinorpresa ni JUANCHO ng isang drive-by baby shower
SINORPRESA si Joyce Pring ng kanyang mister na si Juancho Trivino ng isang drive-by baby shower. Dahil sa pandemya, hindi puwede ang magkaroon ng bisita sa baby shower at ginagawa na lang ito online. Pero nakaisip so Juancho at mga kaibigan ni Joyce ng paraan para maging happy ang soon-to-be-mommy. Naisip […]
-
PBBM, inulit ang suporta para sa Ukraine habang ang giyera ay nasa 1,000 araw na
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta nito para sa Ukraine habang patuloy na sinasakop ng Russia ang Kyiv at umabot na ito sa 1,000 araw. “Yesterday marked the 1,000th day since the war in Ukraine began,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa X (dating Twitter). Inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 30) Story by Geraldine Monzon
SA KAUNA-unahang pagkakataon ay nakausap ni Angela si Andrea sa cellphone nang i-dial ng huli ang numero ni Janine. Hindi maintindihan ni Angela kung bakit tila may kakaibang hatid sa kanya ang boses ni Andrea habang pinakikinggan niya ito. Pero naisip niya siguro ay na-miss lang niya ang tinig ni Janine kung kaya’t nasiyahan siyang […]