• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After ma-diagnose na may autism spectrum disorder: AUBREY, ilang projects ang tinanggihan dahil sa anak nila ni TROY na si ROCKET

MAGBUBUKAS daw ng category para sa mga transgenders ang Mutya Ng Pilipinas pageant ayon sa president nito na si Ms. Cory Quirino.

 

 

Ayon kay Ms. Cory: “That has been my dream. I would like to open a category for them! We should also evolve with the times. Sumabay tayo sa agos ng pagbabago sa pageants.”

 

 

Noong taong 2011 pa raw naisip ng naturang pageant na magkaroon ng kategorya para sa mga transgender. Pero magiging malaking issue raw ito kaya ilang taon pa ang lumipas bago naisatupad ang hangarin na ito.

 

 

Wala pa naman daw nababanggit si Ms. Cory kung kelan magsisimula ang search para sa Mutya transgender, pero desidido nga itong maging kauna-unahang national pageant para sa mga transgender.

 

 

Anyway, sa December 4 na ang coronation night ng Mutya Ng Pilipinas pageant sa San Juan Arena. Dalawang taong hindi nagkaroon ng pageant ang Mutya dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya ito ang pagbabalik ng 50-year old pageant. Ang huli nilang Mutya ng Pilipinas title holder ay si Klyza Castro na nanalo nung 2019 pa.

 

 

Marami na rin daw ginawang pagbabago ang Mutya sa pagpili ng kanilang mga candidate. Eligible na raw ang sumali ang mga nasa edad 28 at pati sa height requirement ay pasok na ang mga may taas na 5’4″.

 

 

Ang Mutya Ng Pilipinas ang dating may hawak sa franchise ng Miss Asia at Miss World mula 1977 hanggang 1991. Nagpapadala rin sila noon ng mga candidates para sa Miss Wonderland International, Miss Tourism International, Miss Intercontinental, Queen of Clubs International, Queen of the Year and Miss Expo International.

 

 

Hawak pa rin ng Mutya ang Miss Asia Pacific International, Top Model of the World and Miss Tourism International.

 

 

Ilan sa mga nakoronahan at runners-up ng Mutya Ng Pilipinas na pinasok ang showbiz ay sina Alice Crisostomo. Baby Delgado, Rio Diaz, Rosemarie de Vera, Michelle Aldana, Aurora Sevilla, Marilou Sadiua, Sherry Rose Byrne, Andrea Koreen Medina, Liza Dino, Lorraine Schuck, Bong Dimayacyac, Lyka Ugarte, Mutya Crisostomo, Jasmine Reyes, Maricel Morales, Josephine Canonizado at Sherilyn Reyes.

 

 

***

 

 

ILANG projects pala ang tinanggihan muna ni Aubrey Miles dahil naging priority nito ang anak nila ni Troy Montero na si Rocket na na-diagnose with autism spectrum disorder.

 

 

Pagkaraan ng ilang buwan, may magandang improvement na raw sa pinagdaanang therapy ni Rocket.

 

 

“Nagpo-progress and ‘yung development niya sa therapy niya, ‘yun ang importante. Ngayon, she looks in our eyes, we look at each other, before kasi hindi siya tumitingin. ‘Yung speech, ngayon nagwa-one word, one word na siya. Hindi siya ‘yung totally na pipi, hindi gano’n eh, ‘yung iba kasi they don’t want to just talk eh, siya nagwa-one word na. Progress sa amin ‘yon,” masayang balita ni Aubrey.

 

 

Inamin ni Aubrey na hindi raw madali para sa kanila ni Troy na matanggap noong una ang naging sakit ng kanilang bunsong anak. Pero hindi raw sila pinanghinaan ng loob at pamilya nilang hinarap ang lahat.

 

 

“It’s really acceptance eh… kahit anong ready mo sa buhay, hindi mo ine-expect ang mga ganito. Sa amin in-expect na lang namin ‘yung love talaga,” sey ni Aubrey na sinasama na nila si Rocket sa ibang events para raw masanay na itong makipag-interact sa ibang mga bata.

 

 

Dahil sa nakikitang improvements ni Rocket, ready na ulit si Aubrey na tumanggap ng taping. Hindi na raw kasi lock-in ang mga taping ngayon kaya makakauwi siya parati para maasikaso pa rin ang anak na may special needs.

(RUEL J. MENDOZA)