• September 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After Sanya, si Herlene naman ang aapihin: MAXINE, nag-e-enjoy kaya kina-career ang pagiging kontrabida

KINA-CAREER ni Maxine Medina ang pagiging kontrabida at inamin nitong nag-e-enjoy siya.

 

 

 

Nasubukan na kasing maging kontrabida ng former Miss Universe Philippines 2016 kay Sanya Lopez sa teleserye na ‘First Yaya’. Ngayon ay si Herlene “Hipon Girl” Budol ang makakatikim ng kanyang pagtataray.

 

 

 

“Parang enjoy na rin ako sa pagiging mean girl. After ‘First Yaya’, na-miss ko rin ‘yung magtaray-tarayan. Kaya noong ibigay sa akin ang kontrabida role sa ‘Magandang Dilag’ with Herlene, natuwa ako kasi mailalabas ko ulit ‘yung mga natutunan ko sa unang kontrabida role ko. Medyo iniba natin para fresh ang mapanood nila sa akin. Pero in person, mabait po ako,” sey ni Maxine.

 

 

 

Makakasama pa ni Maxine na aapi kay Herlene ay ang former beauty queen din na si Bianca Manalo at ang Sparkle actress na si Angela Alarcon.

 

 

 

“First time ko makatrabaho sina Bianca and Angela. Si Bianca, I know her because of the pageant industry and nagkakasama lang talaga kami kapag may pageant and unexpected din na gano’n siya kakalog. Sobrang nakakatawa and malayo siya sa characters na pine-play niya.

 

 

 

“Si Angela naman ay parang baby namin sa set. Sarap parati ng chismisan namin sa taping. At magaling din na kontrabida si Angela.”

 

 

 

***

 

 

 

MASUWERTE ang 18-year old Sparkle Teen actor na si Aidan Veneracion dahil nabigyan siya ng challenging role sa murder mystery drama ng GMA na ‘Royal Blood’.

 

 

 

Sa kanyang kauna-unahang primetime teleserye, gaganap si Aidan bilang si Archie Royales, ang mentally-challenged son nila Mikael Daez at Megan Young.

 

 

 

Kinuwento ni Aidan ang naging audition niya para sa role na Archie na may sakit na autism spectrum disorder or ASD.

 

 

 

“Hindi po talaga ako naka-assign sa role na Archie, pero that day parang pina-audition po kaming lahat na mga boys. Hindi po ako nakapag-prepare for that role na mayroong ASD kaya nag-research ako.

 

 

 

“Tinulungan din po ako ng production kung ano ‘yung specific na character na gusto nila and with the help of our acting coach din and Sparkle GMA Artist Center, nakapag-prepare ako for this character.”

 

 

 

Kasama rin ni Aidan sa ‘Royal Blood’ ang ka-batch niya sa Sparkle Teens na sina James Graham at Princess Aliyah.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]

  • Binuko ang kanta ni Liza para sa kanyang ‘ex’: ICE, nagiging emotional ‘pag kinakanta ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’

    EXCITING talaga ang upcoming concert ng Acoustic Icon na si Ice Seguerra ngayong May 10 and 11 sa Music Museum, ang ‘Ice Seguerra, Videoke Hits’ na sigurado kaming kakantahin niya ang mga sikat na songs sa videoke.     Nagpa-survey pa sila sa type nilang marinig na acoustic version ni Ice sa concert at ang […]

  • Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

    PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.   Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.   “At […]