• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After six months na isilang si Baby Dylan… JENNYLYN, pinaghahandaan na ang pagbabalik-taping sa serye nila ni XIAN

PATULOY na kinagigiliwan ng mga netizens ang panonood gabi-gabi ng historical fantasy portal series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Na ngayon sa story ay may nabuo pang isang magandang relasyon sa pagitan nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco), kahit minsan ay para silang aso’t pusa sa eksena, dahil laging binibiro ni Fidel si Klay.

 

 

Bininyagan pa sila ng team FiLay.

 

 

Kaya sa isang interview kay Dennis, nag-share siya ng pasasalamat ng buong cast sa mainit na pagtanggap ng mga viewers sa serye.

 

 

“Masayang-masaya kami,” wika ni Dennis.

 

 

“Siempre, ang gagaling ng mga kasama ko kaya siguro magaganda rin ang reviews, nakikita nilang maliit man ang role, dahil mahuhusay sila ay appreciated nila.  Kaya ako, lagi rin akong handa sa bawat eksenang gawin namin.

 

 

“Nakakatuwa rin na may kani-kaniya na silang gusto, mayroong maka-Maria Clara at Ibarra at mayroon ding Fidel at Klay, at gusto rin nila sina Ibarra at Klay.  Marami pang mangyayari sa serye, may mga papasok pang bagong characters at matagal-tagal pa tayong magkakasama-sama.”

 

 

***

 

 

NAIINIP na rin ang mga fans ni Jennylyn Mercado, kaya natuwa sila nang mag-post ito sa Instagram ng photo with a caption na “work in progress, after 6 months, pilates,”  na ibig sabihin ay naghahanda na si Jen para sa pagbabalik niya sa pag-arte,  after niyang isilang si Baby Dylan.

 

 

Ngayon ay ready na muli si Jen mag-resume ng taping para sa series na “Love. Die. Repeat.”  Pinagtatambalan nila ito ni Xian Lim at ilang taping days na lamang ang natitira nang malaman ni Jen, na she’s preggy for their first child nila ni Dennis, kaya napilitan siyang huminto.

 

 

Naintindihan naman ito ng GMA Network at ni Xian.  Kaya si Xian ay binigyan muna ng isang comedy drama seies na “False Positive” with Glaiza de Castro. 

 

 

May bagong project na gagawin si Xian sa GMA, ang “Hearts on Ice” with Ashley Ortega, pero tatapusin muna nila ni Jen ang serye nila bago sila mag-taping ni Ashley.

 

 

                                                            ***

 

 

VERY lucky si Rocco Nacino na nakasama siya sa “Maria Clara at Ibarra” at ginampanan niya ang isang important character sa serye, bilang si Elias, ang best friend pero misteryosong tagapagligtas ni Ibarra.

 

 

Mapapanood na ang mga eksena ni Rocco sa mga susunod na gabi ng serye after ng “24 Oras.”

 

 

Kaya naman nagkaroon na ng chance si Rocco, na mag-guest sa “Running Man Philippines” kasabay niyang nagtungo roon ang kapwa guest na si Empoy Marquez.  

 

 

Nag-enjoy si Rocco sa two taping days nila sa South Korea kasama sina Mikael Daez, Glaiza de Castro. Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Lexi Gonzales at Buboy Aguilar.  

 

 

Ayon kay Glaiza, si Rocco raw ang pinakamaswerteng nag-guest sa show dahil nakatanggap siya ng malaking halaga dahil ang episode nila ay may cash equivalent kapag nanalo sila sa contest.

 

 

Patuloy na napapanood ang “Running Man PH” every Saturday, 7:15PM at every Sunday, 7:50PM sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • SERIAL KILLER SA TONDO, FAKE NEWS– Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan

    “FAKE news.”     Ito ang pahayag ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan hinggil sa kumakalat na balita sa social media na may lumilibot na “serial killer” sa Maynila partikular na sa Tondo.     Sa ginanap na pulong balitaan sa Bulwagan Antonio Villegas sa Manila City Hall na pinangunahan nina Lacuna kasama sina […]

  • SELEBRASYON NG IKA-118th FOUNDING ANNIVERSARY NG NAVOTAS, SINIMULAN NA

    SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang pagdiriwang ng ika-118th anibersaryo ng pagkakatatag nito sa January 16.     Ang kasiyahan ng Navotas Day celebration na may temang “Kapag Tulong-Tulong, Angat ALL, Saya ALL,” ay sisimulan sa Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristiyano.     […]

  • ‘Senior citizen’ na ang Divine Diva next year: ZSA ZSA, pinaghahandaan na ang 40th anniversary concert

    THIS year pala ang 40th anniversary celebration ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla kaya looking forward na siya at pinaghahandaan ang bonggang concert na magaganap sa Resort World Manila.     Isa nga ito sa naibahagi ni Zsa Zsa nang makatsikahan namin noong Hunyo 7, 2023, Miyerkules, sa kanilang vacation home na Casa Esperanza, natatagpuan […]