• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Agad naman niyang sinunod at bumili ng sapatos: HEART, sinabihan ng ama ng ‘Be Happy’ at pinabili ng Christmas gift

PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din.

 

Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn.

 

Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? Aga-aga pinaiyak mo ko, kainis ka! Evrythng u said, ryt back at ya! All those feelings, I feel for u as well. I think dis is a mutual admiration society.

 

“You will now n forever be my very much luvd 5th apo. Know that u will always be in my heart coz ur special to me. Hugz and 1M kisses. Mwa mwa Tsup tsups.”

 

Sa totoo lang, napakaraming na-touch, na-inspire sa characters nina Ronaldo at Kathryn sa nagwakas na ‘2 Good 2 Be True.’

 

***

 

POSIBLE kayang ang ipinost na screenshot ni Heart Evangelista na conversation nila ng kanyang ama, si Rod Ongpauco ay tila pahiwatig na alam ng Daddy niya na may pinagdadaanan siya ngayon?

 

Nagmarka sa amin ‘yung, “Be Happy” na message o parang command ng daddy niya kay Heart na siyang gawin niya.
Bukod dito, parang bata pa rin talaga si Heart sa Daddy niya na sina-shower pa rin ang kanyang baby girl ng ilang material things na alam niyang makakapagpasaya rito.

 

Sa chat nila, sabi ng Daddy niya kay Heart, “Buy ka ng sapatos mo christmas gift ko sa iyo. Bayaran ko na lang ‘yon jacket at sapatos mo pagbalik mo.

 

“Okay be happy c u.”

 

Nireplayan naman ito ng Heart na, “Awwww thank you!!!:-) hehehe.”

 

At the “masunurin in her” nga, agad-agad nga raw ay binili na niya ang shoes na Christmas gift ng ama sa kanya.
Sa isang banda, kung totoo na talaga ang mga nakakarating sa amin from reliable source, iba na talaga ang Pasko ni Heart ngayon.

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Full distance learning di na puwede sa 2nd semester -Commission on Higher Education

    HINDI  na umano papayagan ang mga colleges at universities na magpatupad ng implementasyon ng distance learning simula sa second semester ng Academic Year 2022-2023.     Ito ang nakapaloob na order mula sa Commission on Higher Education (CHED) na pirmado ng chairman na si Prospero de Vera.     Sa ilalim ng CHEd Memorandum Order […]

  • NAVOTAS NAGAMIT NA LAHAT NG ASTRAZENECA ALLOCATION

    NAGAMIT na lahat ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang allocation ng Oxford-AstraZeneca Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccines.     Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,586 vials ng AstraZeneca mula sa national government’s March at May vaccine distribution. Ang bawat vial, depende sa manufacturer ay maaaring maglabas ng siyam hanggang 10 buong dosis.     Hanggang […]

  • Tinanggap ang movie dahil walang filmfest entry si Vic: JOEY, nagtampo talaga kay TONI nang umalis sa ‘Eat Bulaga’

    CONGRATULATIONS sa top-rating GMA Primetime series na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.       Ang serye ang tumanggap ng 1st Gawad Banyuhay Award para sa Programang Pang-edukasyon, held at the Manila Ballroom ng Manila Hotel last Monday, December 12.     Si Barbie Forteza ang tumanggap ng […]