AGE RESTRICTION, OKEY SA DOH
- Published on January 27, 2021
- by @peoplesbalita
PABOR ang Department of Health (DOH) sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa kasalukuyang age groups ang papayagang makalabas ng kanilang mga tahanan.
Ayon sa DOH, ito ay upang mabigyan ng panahon ang kagawaran para sa dalawang cycle ng genome sequencing na may sapat na representasyon mula sa lahat ng mga rehiyon upang matukoy ang lawak ng transmisyon sa mga lugar na may variant..
“The DOH welcomes the President’s directive to retain the current age groups allowed to go out. This will give us time for at least two cycles of genome sequencing with adewquate representation from all regions to determine the extend of the transmission nof the variant of concernm”, ayon sa DOH.
Matapos payagan ng Inter-Agency Task Force ang edad 10 hanggang 14 taong gulang sa mga lugar na nasa MGCQ o modified community quarantine na makalabas na ng bahay o makapamasyal ay binawi naman ito ng Pangulong Duterte.
Ito ay dahil sa posibleng matamaan ng sakit na Covid-19 ang mga bata lalo na at may bagong variant pa ng sakit na kumakalat ngayon sa bansa kung saan karamihan umanong tinatamaan ng bagong variant ay mga bata o kabataan.
-
Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown
Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ). Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo […]
-
Petron patuloy sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga libreng sasakyan ng health workers
Ipagpapatuloy ng Petron Corporation ang pagbibigay ng fuel subsidy hanggang June 15 sa mga sasakyan na nasa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr) na ginagamit ng mga health workers sa panahon ng corona virus disease 2019 (Covid-2019). Ito ay matapos ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay General Community Quarantine (GCQ) […]
-
Na-link lang at ginawan na ng ‘fake news’: ARRA, mariing itinanggi na sangkot sa hiwalayang PAOLO at YEN
“NO. Hard no!” Ito ang sagot ni Arra San Agustin sa issue na may kinalaman daw siya sa hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos. Ayon sa Kapuso actress, noong 2023 pa raw nagsimula ang pagkaka-link niya kay Paolo noong magkasama sila sa noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’ (dating Eat Bulaga). Binigyan daw ng malisya yung […]