• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials

Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.

 

 

Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong ipasyal ng kanyang mga magulang sa mall.

 

 

Dahil dito, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga magulang na huwag munang ipasyal ang kanilang mga menor de edad sa mga mall para hindi ma-expose sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Abalos, ipipisinta raw ng TWG ang kanilang rekomendasyon sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) para sa kanilang approval.

 

 

Umaasa ang mga itong matatapos nila ngayong araw ang kanilang pagpupulong para bukas ay ipiprisinta na ito sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR).

 

 

Target daw ng mga alkalde na magkaroon ng uniform na ordinansa.

 

 

Una rito, sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ipinag-utos na nito sa local government units na bumalangkas ng isang ordinasa para payagang pumasok ang mga 12-anyos pataas lamang na pumasok sa mga mall.

Other News
  • Mas lalamig pa ang panahon sa sunod na linggo – PAGASA

    TINATAYA ng PAGASA na mas lalamig pa ang panahon sa susunod na linggo.     Ayon kay Joey Figuracion, climatologist ng ­PAGASA, ang kasalukuyang epekto ng panahon sa ngayon ay hihigitan pa ng malamig na panahon sa sunod na linggo dahil sa amihan surge o bumabang temperatura.     “Itong current na nararanasan natin na […]

  • MALLARI: First Filipino Film distributed by Warner Bros. Pictures, Kicks off with a Biggest Mediacon and Fancon

    MENTORQUE Productions makes history through its film and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry, MALLARI, as the first Filipino movie distributed by Warner Brothers Pictures.     Kicking off its month-long journey towards the December 25 MMFF 2023 release, Mentorque in cooperation with Cleverminds Incorporated, held the biggest and grandest media and fan conference-in-one […]

  • DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes

    Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa.     Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa […]