AIR POLLUTION
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
MISTULANG COVID-19 ang air pollution sa bansa sapagkat 27,000 katao ang pinapatay bawat taon, sa pag-aaral ng Greenpeace Southeast Asia at ng Center for Research on Energy and Clean Air, ang usok mula sa mga sasakyan gamit ang gasolina at krudo at maging ang mga sinusunog na coal ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino.
Ayon pa sa report, number 3 ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na marami ang namamatay sa air pollution kung saan Nangunguna ang China at ikalawa ang Mongolia.
Karaniwang pinagmumulan ng hangin na may lason ang ibinubugang usok ng mga sasakyan partikular na ang mga dyipni na karaniwang yumayaot sa mga kalsada. Tinatayang 80 porsiyento na pinanggagalingan ng air pollution ay mula sa mga hindi namimintinang sasakyan, pinakamalala ang air pollution sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang maruming hangin ay nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs) kung saan kabilang sa mga sakit na nakukuha dahil sa pagkalanghap nang maruming hangin ay allergies, acute respiratory infections, chronic obs-tructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.
Unang tinatamaaan ng sakit ang mga pasahero at pedestrians dahil sila ang nakalantad sa maruming hangin, araw-araw nilang nalalanghap ang maruming hangin na dulot ng mga sasakyan.
Tungkulin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mapangalagaan at mapadalisay ang hangin. Sila ang nararapat magpatupad at gumawa ng hakbang para mapigilan ang mga nagpaparumi sa hangin sa Metro Manila.
-
Valdez, MILO Philippines may paehersisyo sa mga kabataan
NAGSANGGANG dikit ang Milo Philippines at Department of Education (DepEd) sa pagpapahalaga sa pisikal na kalusugan ng mga kabataang mag-aaral sa pamamagitan ng social media o socmed. Ipinahayag nitong Martes sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, […]
-
AFC Cup 2020 kinansela na dahil sa COVID-19 pandemic
Kinansela na ang Asian Football Confederation ang AFC Cup 2020 dahil sa coronavirus pandemic. Ayon kay AFC President Shaikh Salman bin Ebrahim Al Khalifa , na isinaalang-alang nila ang kaligtasan ng lahat kaya minabuti nilang kanselahin ang torneo. Mula pa noong Marso ay kanselado na ang mga laro at nakatakda sana itong ituloy […]
-
OCTA inaasahang bababa sa 2-K COVID-19 cases kada araw sa Nobyembre
Maaring bumaba pa sa 2,000 ang bilang ng bagong COVID-19 cases kada araw sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa OCTA Research group. Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang average ng bagong COVID-19 cases ay bumaba sa 4,848 mula Oktubre 20 hanggang 26. Mas mababa ito kumpara sa […]